13

4.1K 87 46
                                    

Safe

"Tol, malapit na magstart iyong swimming contest! Huwag nang pakupad kupad, dali!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa kaibigan.

"Teka lang! Sige iwan mo ako, nasa akin ticket mong gago ka." 

"Bilis kasi! Inang bias mas maiksi pa  sa pasensiya ko e."

Luminga linga ako. What am I even doing here? 

Everyone is excited. You can easily distinguish if they are an athlete or not. Tindig pa lang at postura, nangingibabaw ito. Kumunot ang noo ko nang makita sa hindi kalayuan ang isang political tarpaulin of my Dad. 

Gregorio Jose Villaroel for Senator

Nakangiti doon si Daddy. Hindi lang isang tarp iyon, marami! Nagkalat nga. 

I look away immediatelty. I find it odd. Seeing my dad's tarpaulin in situation like this. Pakiramdam ko ay nakikita niya ako at ang kalokohan na ginagawa ko ngayon. 

I took a glance of my phone. Still, walang reply galing kay Sorin. 

"Nasaan na iyong sinasabi mong volunteer, Sonya? Akala ko ba matutuloy iyon?"

Dinutdot nito ang cellphone. "Ito na nga ang problema! Umatras!"

"Ano!?" The other girl exclaimed.

Nakasuot iyong isa ng mascot, iyong nagtetext. Otters mascot costume iyon. May sunglasses sa ulo. Kulay dilaw at kulay pula naman ang damit.

"Pilitin mo!" Sabi nung kanina pa galit. 

She is holding another mascot costume on her left hand. Medyo malaman siya kaya kayang kaya niya iyon buhatin. It's color sky blue and white. The mascot looks cute to. I shifted my eye to her right hand, and there, I saw a banner.

SYNCHED

I think, it's a team name. Dahil nang ilibot ko pa ang mata ko, muli kong nakita ang pangalan na iyon sa parehas na kulay ng banner, kulay asul. On the other hand, I also notice another team name, BEAVERDRIP, which I bet, the opposing team for this tournament. Hindi ko nga lang alam kung anong sport.

"Ayaw talaga. Pinatayan pa ako ng telepono. Sabi ko ay kitain na tayo dito sa tapat e."

"Aba, e, paano tayo ngayon niyan? Hindi tayo makakasahod dito kung hindi kumpleto ang mascot ngayon." 

An idea immediately struck to me. 

"Uhm, Miss." Wala na akong pinalampas pa. Nilapitan ko agad ang dalawa. "Uhm...how do I start it?"

They just look at me indifferently. I flashed a forced smile, trying to be nice even if it's not in my nature. But, I need to do this! Tangina kasi nung humaplos haplos kay Sorin! Who knows? Meron pa diyang iba sa loob!

"Sorry, it's not my intention to eavesdrop but...I heard na, hindi sumipot ang kasama niyo? And..."

"Tanggap ka na."

Napakurap ako ng ilang beses. Nabibigla. "Come again?"

The chubby girl handed me the sky blue mascot. Nasalo ko iyon. Mabigat!

"I-s-suggest mo na kung pwede ay ikaw na lang ang pumalit diba?"

"Sanay na kami sa ganiyan. Ganito ba naman raket namin e." Natatawang sabi naman ng patpatin na babae.

"Raket?" I asked with so much curiosity as I survey the mascot. Parang kakainin ako. Mas malaki ito sa akin at mas mabigat pa!

"Halatang anak mayaman ka a? Takas ka 'no?" Maangas na tanong ulit ng chubby na babae.

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon