21

3.4K 79 15
                                    

Tagaytay

It's been three years, eight months and eighteen days since the last time I saw him.

I grew. I matured. I won, I lose...and yet, he was never there. Not even once...not even existing at all. He left me. Everyone left me.

"Faye, let's talk." Naiiyak kong pakiusap sa kaniya nang araw na makalabas ako ng ospital noon.

After spending almost five months in the hospital, Sorin is not just the one who slipped from my hands. Faye also became distant to me. She is avoiding me. They cut off their communication to me, even Sylvio and Frans, I couldn't get a hold to them.

"Faye."

Tumayo siya. Nakasunod sa kaniya iyong dalawang espasol na nakaaway namin noon. They are smirking at me but I don't mind. Hindi ko lang matanggap na pati si Faye ay nakisali sa kanila. Pinagtatanggol niya pa ako noon sa mga ito dahil sa mga paratang sa akin, ngayon ay hindi ko maintindihan bakit sila na ang magkasama. Ako na lang lagi ang mag-isa. Walang kumakausap sa akin.

Kahit nga noong nasa ospital ako, wala siya. Hindi niya ako dinalaw. Kahit isang beses.

"Faye, let's talk." I tried to held her hand but she moved away.

"Ano ba! Huwag mo nga akong hahawakan." She shouted.

I can feel the gaze of some students here in the cafeteria.

"But you are my friend, Faye." My voice trembles.

"You are not my friend anymore! Stop pestering me!" She shouted. Galit na galit.

Kahit na maraming tao, hindi ko na napigilan na mapaluha. Her words stung my heart. It broke me. It pains me.

She is my bestftiend but now...she disgust me.

"If you are really my friend, you won't be selfish Elene! Dahil sa'yo ay nawala ang opportunity na makapasok ako bilang atleta!" Sigaw niya pa rin.

Mas lalo akong naiyak. Hindi ko siya nabalikan noon. Ang sabi ko ay ilalabas ko siya. Bagaman minor kami at hindi pwedeng makasukan pa, for sure...nakarating iyon sa school. Nalaman iyon ng coaches niya. Kaya siguro...hindi na siya nakatuloy sa laban.

"This is all your fault!" My pain mirrors her eyes.

"Faye," I shake my head slowly. Unti-unti nang kinakain ng takot na baka pagtapos nito, tuluyan na nga kaming matapos.

"Maybe, they were right all along. Your family is a disgrace! Selfish! Manipulative! Nakakadiri ka!" She spit out, without a paused. Not hesitating at all.

"Faye." Nasasaktan kong pang pagtawag sa kaniya.

"Our friendship is over, Elene!" Poot niyang sabi bago ako iniwan sa harap ng maraming tao na puro panghuhugasga ang pinupukol sa akin.

I cried. A lot.

For all those times that I tried to talk to her, it always end up like this. But I think, this hurt me the most. Her, declaring that we are over. That I am just like the assumptions I used to get from others that I am no other like my Dad. She used to defend me but now, the table turned.

Hindi ko siya masisi. Wala akong masisi kung hindi ang sarili ko. Hindi ko siya nabalikan. Hindi ako nakabalik dahil naaksidente ako. At ngayon, kahit na ilaban ko ang rason ko, para saan pa? Ayaw kong gawing rason ang aksidente ko para lang mapagtanggol ang sarili ko gayong alam kong nagkamali ako.

Gustuhin ko mang isisi kay Sauro ang lahat dahil pakiramdam ko ay siya ang pasimuno ng pagsesend ng text kina Sorin at Faye, hindi ko magawa...dahil wala akong ebidensiya.

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon