05

6.3K 114 36
                                    

Plan

Unang una pa lang, palpak na agad ang plano kong paghihiganti kay Sauro. Ganoon siguro kalakas ang kapit niya kay Satanas at talagang pinoproktehan siya nun sa galit ko.

Pangalawa, iyang lintek na bouncer na iyan! Simula nang nagkrus ang landas namin ay wala ng magandang nangyari sa mga plano ko! Lahat palpak!

Tall, lean, and moreno guy with his tattoos. Ano ba ang espesyal sa taong iyon? Wala naman. Madumi tignan! Mukha ring suki ng gulo at nakahithit. Palaging itim ang suot! Kasing itim ng budhi niya!

Iyong galit ko para sa cheater na si Sauro ay nalalamangan ng galit ko para sa bouncer. He humiliated me! He directly shoved to me that I am just a mere child!

"Wala na bang ibang place na makikita mo si Sauro?" Iyon ang tanong sa akin ni Faye isang araw.

Naglalakad kami papunta sa room namin.Hindi ko na inalintana ang tingin at bulungan sa akin ng mga estudyante. Ilang araw na simula nang huli kong punta sa bar. Hindi na agad nasundan pa dahil ayaw ko munang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon!

"Doon niya ako pinahiya, Faye. Sa harap ng maraming tao. Doon din dapat niya matikman ang galit ko 'no."

"Oh, e, ano na ang plano mo niyan?"

Ang condo lang ni Sauro ang alam ko at ang school niya. Kung sa condo ko siya kokomprontahin, parang hindi ako magiging satisfied. Walang audience e. Pero, kung sa school naman niya, imposible rin na makapasok ako. Ang pinakabest choice lang talaga ay sa bar.

"Doon tayo sa bar. Pipilitin ko pa ring makapasok doon." Pinal kong sabi.

She heave a deep sigh. Paakyat na kami ng hagdan. Paatras siya kung umakyat.

"Oh sige. Paano mo lulusutan ang bouncer na iyon?"

"Iyon ang problema ko. I don't know how to get rid of that parasite."

"Make him as one of your boys."

"He said he's not interested!"

"Oh."

"I even offered him my kisses. He still said no!"

"Baka hindi ka talaga type?"

"Hindi ko rin siya type!"

Now that we're talking about him, I can't help but to get angry as I recall everything he said to me.

He's not interested with my kisses! He doesn't want to get involved with me? As if I want to! I would never want to be with him! Presensiya niya pa lang ay talagang nagpapakulo na ng dugo ko!

"Eh kung kaibiganin mo kaya?"

Sumama agad ang timpla ng mukha ko kahit na nagsisimula pa lang siya. "Patayin mo na lang ako."

Nilampasan ko siya pero hinabol ako.

"That's our last resort, Elene. Come to think of it. Ang sabi niya ay hindi siya interesado sa'yo. Hindi niya naman pinunto kung hindi siya interesado makipagrelasyon sa'yo o makipagkaibigan. Hindi ba?"

I snorted. "Me? being friend with that guy? Oh please! Screw your imagination. Hirap nga pakiusapan, kaibiganin pa kaya?"

"Kuhanin mo lang ang loob, Elene."

Kahit nga iyon ay hindi epektibo. Alam na alam ata nung bouncer na iyon kung kailan ako nagsisinungaling o hindi. Kahit siguro umiyak ako ng dugo ay hindi pa rin niya ako pagbibigyan. Ang pagkakaibigan pa kaya? Oh, please!

"Kakaibiganin lang naman. Hindi totoong pagkakaibigan nga lang. Bahala na kung kakagat siya o hindi."

Kumagat ako sa sinabi ni Faye. Hindi ko nga lang alam kung paano ko gagawin iyon pero desperado na talaga ako. Masyado na siyang nakakaabala sa pakay ko. Dapat ay hindi na iyon ang pinoproblema ko e.

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon