Epilogue - Part 1

4K 62 36
                                    

Lovesick Fool

It all started with a name. Her name. Carmela Elene Villaroel.

"Sor, what do you want to be when you grow up?" The young Elene asked me as she play with her barbie dolls.

I gazed at her.

We're sitting in the bermuda grass of their house. We laid a blanket here. She's playing with her toys while I held the umbrella for her not to get too hot because of the sun. There's enough shade for us but I am still worried for her skin.

"Rich." I simply answered.

She snorted. My brows furrowed because of that.

"Everyone wants to be rich!"

"Then that's it."

She stop playing her barbie dolls and gave me her full attention.

There! I saw her grumpy face! My favorite view!

"What about getting married?" She is raising her brows.

My eyes widened.

What is she thinking!? We're just kids!

"What's your ideal wife like? Dream proposal? And your wedding plans— how would you like it to be?" She inquired with interest.

I blushed. I had to look away to hide it from her.

"Bakit iyan ang iniisip mo? Hindi ka pa mga marunong magdivide."

Umasim lalo ang mukha niya. Sarap talaga asarin nito e. Pikon kung pikon e. Lumalaki pa ang butas ng ilong. Parang siya ang nawawalang anak ni Kingkong.

"Hay naku! Dapat ay kasing ganda ko iyan, Sor! Maganda rin kung magaling siyang magbihis ng mga dolls. And please, don't ever ever forget na dapat mahilig din siya sa pink!"

My lips twisted.

I noticed her playing with her dolls once more as I glanced out of the corner of my eye.

"Kung makahanap ka na ng papakasalan, ipakilala mo agad sa akin ha?"

I pouted a little as my eyes wanders in the trees around us.

Ipakilala? Paano? Iharap ko siya sa salamin?

"Kapag ako ang magpapakasal, gusto ko ay katulad mo, Sor. Hihi." She casually said like it doesn't made my heat gone wild.

I finally let out a smile.

Dapat lang Elene. Dapat lang na ako ang pakasalan mo. Hindi ako papayag na maikasal ka sa iba. Sa akin lang dapat.

Akala ko ay dahil lang sa palagi kaming magkasama at madalas sa kanilang bahay kaya ganito ako kainteresado sa kaniya pero hindi. Maraming mga babae noon ang nakakacrush sa akin. Syempre, uso pa ang tuksuhan. Pero kapag tinutukso ako sa ibang babae, naiinis ako.

Ang gusto ko ay kay Elene lang ako matukso. Gusto ko ay siya ang lang din ang nakikita ng ibang tao na bagay sa akin. Kasi, siya lang ang nakikita kong bagay sa akin. Walang iba.

Elementary pa lang kami ay ipinangako ko na sa sarili ko na siya ang papakasalan ko. Kung hindi siya ang mapapangasawa ko, hindi ako papayag! Siya lang ang gusto ko! Siya lang ang gugustuhin ko sa araw-araw. Kahit na maarte siya at ubod ng kamalditahan, wala akong pakielam!

Kinikilig pa nga ako sa tuwing iniirapan niya ako. Baliw na nga ata ako. Napasukan ata ng hangin itong utak ko e. Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya natutukso. Kapag nagtatampo siya, gusto ko ay ako lang ang susuyo sa kaniya. Gusto ko ay ako lang ang para sa kaniya! Gusto ko ay akin lang siya!

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon