06

6K 114 23
                                    

Vendor

Hindi na ako makapaghintay pa na makabalik sa bar. My anger towards him somehow replaced by excitement. I can see him through. Kunwari pang Hindi interesado sa akin pero humirit ng mga halik ko?

I crossed my legs as I brows the internet. Nandito ako sa garden namin, nagpapalipas ng oras dahil weekends naman. I was so eager to search for that bouncer's socials but then I remember, I don't even know his name .

@SFaye . 3hr
ang gwapo! Shet malala na ako hindi na lang ako sa mga koryano ko napopogian sorry sehun!!

@SFaye . 2hr
helu @itspncho hihi

@titeNFaye . 1hr
iyan ang gusto ko mukhang nerd pero nambabalibag

Naningkit ang mata ko nang walang hiyang tinag ni Faye ang twitter account nung Pancho ata na nakilala niya sa gasolinahan.

Due to my curiosity, I clicked his twitter account. Nakapublic iyon. Nagulat pa ako nang makitang sikat din pala ang isang iyon. Sasakyan lang ang profile nito samantalang isang ahas naman ang nasa header nito. Typical account ng isang mysterious guy. Bagay na gustong gusto ni Faye.

I scrolled a bit in his timeline. There's nothing much in there because he barely tweets. Kung meron man, puro retweet lang at puro sasakyan pa.

"Nanonood lang ata 'to ng porn dito e." Kumento ko habang nag-scroll pa sa account niya.

Kaonti lang ang followings nung Pancho kaya naman, pinagtiyagaan ko talaga na hanapin ang account nung bouncer. Niclick ko isa isa iyong account.

Kung gusto ko ngang maging magtagumpay ang siniggest ni Faye na kaibiganin ito, kailangan ay dumaan ako sa baby steps.

A victory smiled in my face when I saw a screenshot of a convo in Pancho's account.May picture silang dalawa nung bouncer. It's him!

SrnLrntEl

Nakaprivate iyon kaya Hindi ko siya mastalk. Full black attire ang profile nito. Hawak niya sa isang kamay ang itim ding helmet habang nakatindig na nakasandal sa motor.

He can ride?

And what does SrnLrntEl means? It's his name I am sure of it but I couldn't guess what it is!

I sulked as I visit Pancho's account again. Nagbabakasali lang ako na mahanap ko ang pangalan nung bouncer. Ugh! He is so private!

"Pangit mo kapag nakasimangot."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Justice iyon, suot ang simpleng t-shirt and jeans. Mukhang bagong ligo siya dahil bagsak pa ang natural na kulay brown nitong buhok.

"Aga mo magising a? Buhay talaga ang Diyos!"

Inirapan ko siya at humigop ng kape.

"Bad mood?"

"Grabe talaga ang mga Pilipino ano? Kung ano ang obvious, iyon pa talaga ang itatanong."

Justice ruffle my hair and sat on the chair in front of me. His perfume made it's way to my nose. He smell masculine.

"May gagawin ka ba ngayong araw?"

"Busy akong tao." Sagot ko agad habang busy pa rin sa phone.

Bakit ba kasi nakaprivate account niya! And seriously? 0 followers and 0 followings? Gumawa pa siya ng account kung hindi niya rin naman gagamitin!

"Gusto mo bang sumama sa akin sa pantalan para naman malibang ka?"

Naagaw nun ang atensyon ko.

Justice shrugged. "Wala kang kasama dito. Umalis ang nanay, binisita si Ma'am Nathalia. Ang daddy mo naman ay nakita kong maagang umalis."

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon