08

5.3K 89 20
                                    

Contract

Dumaan ang isang linggo at nagprisinta na ako kay Daddy na bumisita na agad sa Navatos. May kakilala doon ang Daddy kaya doon niya ako inihabilin. Kasama dapat namin si Justice ang kaso ay tumulak na siya pabalik sa camp. Pinaalalahanan niya pa ako ng ilang beses na huwag nang bumalik sa bar.

"Kausapin mo ang mga tao doon. Pursue them to vote for me."

Nilapag ni Daddy ang ilang flyers at ilang sobre sa ibabaw ng mesa.

"Take a look at it."

Sinunod ko si Dad at tinignan ang loob ng sobre-Pera ang laman nun. Kada sobre ay may pera. Hindi ko mabilang kung ilang sobre ang nasa ibabaw ng mesa.

"What am I going to do with these?" I asked innocently.

Humilig si Dad sa upuan. "Ipamahagi mo iyan sa mga tao sa Navotas. Doon ako tagilid. Panigurado, wala pa sa kalahating porsyento ang boboto sa akin."

Napatango tango ako.

Marahil ay tulong ito ng Daddy para sa mga tao sa Navotas. Bakit naman kasi niya bibigyan ng pera ang mga botante doin diba? See, sinungaling talaga iyong mga espasol kong kaklase na corrupt ang tatay ko. Kita mo nga, tutulong pa ang Daddy sa mga mamamayan ng Navotas!

"Siguraduhin mong maibibigay mo iyan sa mga botante doon, Elene bago magbotohan."

Gusto ko pa sanang itanong kay Daddy kung bakit hindi na lang nila isama ang Navotas sa kompanya nila pero hindi ko na lang tinangka pa. Pinagkatiwalaan ako ni Daddy na gawin ito. Doon pa lang ay malaking bagay na. Ngayon niya lang kasi akoo hinayaan na makibahagi sa mga activities niya.

Sa buong isang linggo ay kinolekta ko ang mga bigay ng mga admirers ko sa school kahit na sinabi na ni Sorin na huwag na akong tumanggap. Wala naman talaga akong balak na sundin siya pero mabuti na rin ito kung gusto ko ngang makuha ang loob niya at matapos na ang lahat ng 'to.

Inihatid ako ng driver ko sa isang bahay sa Navatos nang dumating ang Sabado. I think, malapit lang iyon sa pantalan dahil dinig ko mula doon ang daong ng barko. May ilog din sa harapan namin, kadugtong siguro doon sa daungan. Pero di tulad doon,malinis ang parte ng ilog dito sa harapan.

"Tuloy ka, Hija." Kuya Marlon said.

Siya iyong kakilala ng Daddy. Dito ako magstay kapag nandito ako sa Navotas. Medyo may katandaan na si kuya Marlon pero mahahalata pa rin ang kagandahang lalaki noong kabataan. Wala itong anak at asawa at tila inilaan na ang buhay para manilbihan kay Daddy.

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghanda kita? Mayroon akong nilutong ulam dito."

Umiling ako at magalang na umupo sa maliit na sofa doon. "Hindi na po. Kumain naman po ako kanina bago umalis."

Tumango siya. "Sigurado ka ba? Maiinom? Tinapay?"

Medyo nahiya ako kay kuya Marlon kaya tumango na lang ako. Parang pinaghandaan niya kasi ang pagdating ko.

"Sa inyo po iyong palayan?" Tanong ko.

Bukod sa malinis na ilog ay may palayan sa kabilang banda ng bahay. Napaliligiran din ng puno ang bahay ni Kuya Marlon kaya kahit tirik ang araw, malamig at presko pa rin. Namataan ko pa nga sa labas iyong dalawang duyan na gawa sa gulong ng sasakyan. May kahoy na mesa at putol na bahagi ng puno naman ang ginawang upuan.

"Oo, Hija. Sa tagal kong paninilbihan kay Sir Greg ay nakaipon din ako. Ayan, nakabili ako ng sariling lupa kasama iyong isang kasosyo ko."

"Maayos naman po ang benta ng palay?" Tanong ko.

Naging kuryoso ako sa paraan ng pamumuhay ni kuya Marlon. It seems simple yet fulfilling. What I'm worried about is that he's only alone in this house. Paano kaya siya kapag gabi? Malungkot kaya siya?

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon