34

3K 52 4
                                    

Restrain

"Ma'am payungan ko na po kayo. Mainit ngayon e."

Nginitian ko ang isang trabahador. "Hindi na Baste, ayos lang. Sanay na rin naman ako."

Napakamot ito sa batok. "Sigurado po kayo?"

Tumango ako isang beses at binigyan siya ng isang ngiti bago sinimulang i-check ang mga bakal. May hawak din naman akong sariling payong.

"Mali po ba ang spacing namin?" Si Baste ulit na nasa gilid ko. "Tulungan ko na kayo, Ma'am."

Si Baste na ang naghawak ng payong. Matawa tawa ko na lang iyong binitawan. Ayaw paawat e.

May chineck ako sa checklist. "Tama ang lahat. Ikaw ba ang gumawa nito?"

Ngumiti ito. "Tumulong ko kina kuya Lito, Ma'am."

"Eh iyong buhos kagabi? Balita ko ay kasama ka rin doon a."

"Opo, Ma'am."

Namula ang mapula pula nitong balat. Ginalaw ko ang payong ko papalapit sa kaniya para dalawa kaming mapayungan. Nakarinig ako ng ilang tuksuan at hiyawan sa lugar na pinagmulan namin kanina. Doon ay natanaw ko ang ilang trabahador.

"Naku, Ma'am pasensiya na kayo kina kuya Lito. Alam nila kasing. . .idol na idol kita!"

Ngumiti akong muli at nagsuri ng mga bakal.

"Naku may anak na ako, Baste." Sakay ko.

"Ayos lang, Ma'am."

Natawa ako.

"Ang ibig kong sabihin, Ma'am ay wala namang kaso sa akin kung may anak o wala. Basta mahal ko Ma'am ay mamahalin ko na rin ang lahat sa kaniya. Iyong anak niya ay anak ko na rin." Mahaba niyang litanya.

"Engr., huwag po kayong magpapaniwala diyan kay Baste!" Sigaw ni Jonas, isa sa construction worker.

Isa si Baste sa mga construction worker dito sa project na nakaassign sa akin. Halos apat na rin itong ginagawa at patapos na rin. Huling palapag na ito pagkatapos ay finishes na lang. At sa loob ng halos apat na taon na iyon ay naging bahagi nun si Baste. Halos hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Minsan ko na siyang nakakwentuhan at nabanggit niya na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagkasakit siya. Ngayon ay sumasideline siya dito para makapag ipon at may ipambili ng gamot niya. Kapag tinatanong ko siya kung anong sakit ba ang iniinda, hindi niya binabanggit.

"Hayaan mo, irereto kita kay Paulina." Sabi ko.

Nagtawanan ang mga nakarinig. Pati ako ay hindi na napigilan.

Nagkamot ng sentido si Baste. Hindi na maipinta ang mukha.

"Ayoko doon, Ma'am. Ang sungit sungit."

"Paharang harang ka raw sa daanan niya e." Tukso pa ng isa.

"O bakit? Sa kaniya ba nakapangalan ang bawat daan? Pwede naman siyang mag-excuse!"

Mas lalong lumawak ang ngisi ko. "Bagay kayo."

Naghiyawan sila.

"Engineer naman!"

"Tumigil na kayo. Baka naiistorbo na natin si Engr. Ma'am, kumusta po?" Bungad nila kuya Lito, construction worker din. Lumapit na sa amin.

Naghubad ako ng hard hat at gloves. "Maayos naman, kuya. Pulido a!"

"Syempre, ma'am! Ayaw namin na pumalpak ang proyekto, Engineer."

"Nakakatuwa naman." Kumento ko. "Di bale, kuya Lito pagkatapos ng huling buhos mamaya, sagot ko na ang lunch niyo kinabukasan."

Naghiyawan ang lahat.

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon