11

4.5K 84 40
                                    

Stroll

"You didn't text me again." Sorin said the moment I entered in his office when Sunday came.

Agad akong umupo doon sa upuan sa harap ng table niya. At kagaya ng una kong punta doon, hinayaan niya lang na nakaawang ang pinto ng office. Hindi ko na iyon pinansin pa dahil alam kong magtatalo na naman kami.

"Naiwan ko ang phone ko."

Umupo si Sorin sa upuan niya. May kinuha ito sa drawer. Cellphone niya pala. Hinayaan ko siya doon at ginala na lang ang paningin sa loob ng office niya.

I noticed his new mini fridge. Mukhang bagong bago. Kahit iyong kurtina ay napalitan ng krema. Mas maaliwalas ngayon ang lugar.

"Here." Sorin is lending me his phone.

"What am I going to do with that?" I asked while arching my brow.

"Used it. Entertain yourself. I'll just check some papers."

My lips pouted.

My eyes surveyed his table. Totoo nga, punong puno iyon ng sandamakmak na papeles at folders.

"I'll be fast, I promise." Nanunuyo ang boses nito!

Napabaling ako ulit sa kaniya. Hays, ano ba 'to!

"Pwede kong kalikutin iyan. I might invade your privacy."

"Then invade it. Wala naman akong tinatago."

Wala raw tinatago? Maniwala. Hindi kapanipaniwala. What if, habang ginagamit ko ang phone niya, magtext o magchat ang girlfriend niya? Gaano siya kasigurado na hindi ko nga sasamantalahin iyon? It's not that I have a plan or what. I am just stating the possibilities. Ang bilis bilis niya magpahiram ng cellphone.

"Dapat ay hindi mo pinapagamit kung kani-kanino lang ang cellphone mo. Don't you know the word privacy?"

"Hindi ka naman sinu-sino lang. Diba?" Nananantiya ang tingin niya.

For a moment, I was out of words. Buti na lang ay agad akong nakakapa ng sasabihin.

"Paano kung ibang tao pala ang manghihiram sa'yo? Papahiramin mo rin nang gano'n gano'n lang?"

He licked his lower lip again and placed his phone above the table. He then settle himself on his swivel chair and starts opening some folders.

"Bakit ko gagawin iyon?" Tanong nito."Hindi naman sila ikaw at hindi naman ikaw sila."

Nakagat ko ang sariling dila dahil doon.

Damn!

So, that means, he'll not let anyone to borrow it? Ako lang kung ganoon? Ano? Talagang nagustuhan niya na ako?

"I already installed some apps that you can use. Saglit lang naman ako dito. Pipirmahan lang ang mga 'to." Pahabol niya.

Kaysa kainin ng pagkainip, syempre tinanggap ko ang cellphone niya. Mainipin akong tao. Kung ayaw kong mayamot nang husto, dapat lang siguro na huwag na akong magpabebe at gamitin na ang cellphone niya!

Pagkaopen ko pa lang, black and white background agad ang bumungad sa akin. Structure lang iyon ng building. That's just it.

He really likes black and dark themed, I guess. Ayaw niya ba sa pink? Flowery designs?

And just like what he said, there's various apps installed on his phone. Nang mag-angat ako ng tingin ay mukhang naramdaman niya iyon kaya nahuli niya ang tingin ko.

"Anything you need? May problem ba sa internet?" Agap niya.

I shook my head and did my business on his phone. He is really serious with this, huh?

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon