18

4.1K 85 63
                                    

Guilt

"The boyfriend is here." Hugo abruptly said.

Siniko niya ako.

"This little girl right here is going insane looking for you—"

"Hugo! I didn't! Let's just go home! I told you I want to go home!" I cut him off.

Sa akin ang tingin nilang dalawa dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko.

"Marami pa akong assignments! Kapag bumagsak ako, kasalanan mo!" Panakot ko. "Halika na at uuwi na tayo!"

Hugo laughed it off. "Chill, Villaroel. Ikaw lang ang kilala kong iniiwasan ang boyfriend niya."

Nanlaki ang mata ko. Nagkatinginan naman kami saglit ni Sorin pero ako lang din ang umiwas.

"Hindi ko nga siya boyfriend!"

"Wait, what? This is the Sorin you just mentioned diba?" Si Hugo, tunog nang-aasar.

I am glaring him so much but he is not buying it!

"I-ibang Sorin iyon!" My excuse are getting more lame!

Tumaas ang kilay ni Sorin.

"H-hindi ikaw iyon!" Utal kong sabi. "Hindi lang naman ikaw ang Sorin sa mundo."

I bit my cheeks.

Wala ng ibang Sorin sa buhay ko! Nag-iisa lang siya! Pero, bakit ko aaminin iyon na siya nga nga ang tinutukoy ko kanina? E napilitan lang naman ako para tantanan na ako at huwag na akong kulitin nitong si Hugo!

"It has no meaning, okay? Just forget about it."

"No meaning?" Naniniguradong tanong ni Sorin. "So, you tell everyone that I am your boyfriend but it has no meaning at all?"

Nilalamon ako ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"It was just a lie!"

His stares became dangerous. "Hindi na kasinungalingan iyon kung tototohanin natin."

My heart pounded more. I heard Hugo's struggle to suppress his giggles but it wasn't even helping!

"I'll call you later." Sorin mumbled when I didn't answer his question.

Malikot pa rin ang mata ko.Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"P-pwede namang sa weekend na lang tayo mag-usap a? Sa susunod na lang."

Naningkit ang mata nito. "You told me things today, Elene. You think I'll be able to sleep because of that?"

My heart beat doubled.

This is me everytime I get to talk to him. I feel nervous and anxious at the same time. Hindi naman ganito dati e. Laging mainit ang ulo ko kapag sa tuwing makikita ko siya! Papunta pa lang ako sa office niya, kumukulo na agad ang dugo ko. Pero bakit ngayon ay nagbago na? Baliw na ba ako? Kung anu-ano ang naririnig ko a? May tililing na ba ako? Ano? Hindi ko na alam!

"Send her home safe." Sorin suddenly addressed Hugo.

"You don't need to tell me that. That's what I should do." Sagot naman ni Hugo.

They exchanged gaze. Hugo being himself, he is forcing himself not to grin but he can't help it. Mas lalo tuloy sumasama ang mukha ni Sorin. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para pumasok na sa loob ng sasakyan.

Nanatili pa saglit doon si Hugo at nagpalitan pa sila ng diskusyon ni Sorin bago tuluyang sumunod sa akin si Hugo. Nanatili ang tingin ko kay Sorin habang paalis ang sasakyan namin.

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon