20

3.7K 68 25
                                    

After Midnight

"Break na nga tayo!" Casual kong sabi sa kaschoolmate ko.

"Ano?"

"Bingi ka? Sabi ko break na tayo."

Namutla ito at parang maiiyak na. "P-pero, kahapon mo lang ako sinagot, Elene."

Si Patrick, isa sa mga boyfriend ko nitong nakaraan. Kahapon ay sinagot ko siya bago pa kami makapag usap ni Sorin, pero nakipagkita ako sa kaniya ngayon sa likod ng school para makipagbreak.

Nakasalamin siya at mukhang studious. Matangkad na payat. But I can't believe na inexplain niya sa akin kahapon ang ilang matematical equations and something related pa sa science! Ano bang pakielam ko doon?

Kung si Sorin ang nagtuturo sa akin nun, baka nga kwestiyunin ko pa siya. Pero itong kay Patrick, hindi ako makasabat. Inaantok nga ako e!

"Elene!" Patrick voice roared in the field!

Hinabol ako nito kaya binilisan ko na lang din ang lakad ko.

"What the fuck!" Hiyang hiya kong sabi.

I squeezed my eyes and walk faster! Pinagtitinginan na ako ng mga kaschoolmate ko at nagbubulungan pa. Iba ay na sa likod ang tingin, ang simpatya ay kay Patrick.

Isa lang iyon sa mga tagpo ngayong araw sa ilang beses ko na nakikipagbreak sa mga naging boyfriend ko.

Puro ako Sorin nang Sorin! Kapag bibigyan nila ako ng mamahaling foods, I always compare it to Sorin's simple chuckie and mamon! I miss that! Kapag nagsasuggest naman na ihatid ako gamit ng car nila, nandidiri pa ako at mas gustuhin pa na sumakay sa motor ni Sorin! Mas komportble doon!

Iyong iba pa, sobrang clingy! Hindi lang ako makapagreply ng ilang minuto, tinatawagan na ako. Nagdedemand pa! Inis na inis ako talaga. Oo, inis din ako kay Sorin kapag ganoon siya pero sa huli ay nagrereply pa rin naman ako, hindi ba!? Pero ngayon, kahit inis ako, hindi talaga ako magrereply! Makikipagbreak na lang ako!

Mukhang bad move pa nga na nagboboyfriend ako nitong nakaraan! Kaya naman, umabsent ako ngayong araw para lang mataguan sila! Nagpaabiso na lang ako kay Faye na hindi ako  makakapasok dahil masakit ang ulo ko. She didn't buy that excuse at first pero nafall din sa acting-an ko.

I took a deep sigh.

Bored na bored ako kakascroll sa cellphone ko at kung anu-anong ginagawa ko sa kwarto. Bumabalik lang din sa higaan ko kapag papasok na ang mommy para dalhan ako ng pagkain. I need to act sick!

"Masama pa ba ang pakiramdam mo, Elene?"

Umubo ako. "Opo."

"Dalhin na kaya kita sa doctor?"

Tumanggi ako. "Hindi na po, Mommy. Madadaan naman ito sa gamot at pahinga."

Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha ng Mommy. I kinda feel guilty. Niloloko ko ang  Mommy  ko  na may  sakit  ako.  Pero gusto ko  lang naman na makaiwas sa mga lalaki sa school! 

"Mommy?" I called her.

"Hmm?" She said while preparing my food.

"Do you have other friends aside from Tita Maricris and Tita Ashley?"

Naalala ko lang bigla iyong nakwento ni Sorin. Na magkaibigan ang nanay namin.  Wala kasing nababanggit si  Mommy magmula noong bata ako. 

"They are my bestfriends, Hija. Well, kung  ang tinutukoy mo ay  ang mga ilang kakilala ko sa partido namin at ang kakilala namin ng Daddy, meron naman."

I shifted on my seat."What  about your younger years?"

Tumingin ito sa akin.

"When I was young?"

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon