11:54 pm.
“Claire,” may tonong pagbabanta na tawag nito sa pangalan ko. Ang tono rin nito ay parang mga tunay na baliw na mamamatay tao sa mga palabas.
Napatingin silang dalawa sa 'kin.
“Zarina.” Kasabay ng mahihinang patak ng ulan ay ang pagtawag naman sa pangalan ni Zarina.
“Gabriella.” Kasabay ng tunog ng pagtapak nito sa maputik na daan ay ang pagtawag naman sa pangalan ni Gab.
At bumaling naman kami kay Gab.
At kasabay ng kaluskos sa daan ay ang pagtawa nito. Nakakakilabot ang pagtawa nito. Mukhang may laman ang lahat ng sinabi n'ya, mula sa pagtawag sa pangalan namin hanggang sa pagtawa n'yang 'yon.
We exchange looks, pinakiramdaman ang paligid. Pagkatapos ng tawa na iyon ay may narinig na lang kaming kaluskos na parang may humahakbang at lumalakad palapit. Umatras kami ng umatras, sinusubukang hindi gumawa ng malakas na ingay. Sinubukan naming maging maingat sa bawat galaw at hakbang.
Nagulat kami ng may bigla na lamang may naghagis ng—ano ’to?!
Manika!
Manika na wala nang buhok, puro dugo. Putol ang kaliwang kamay, at ang kanang paa. At may nakatarak na kutsilyo sa bandang tiyan.
Napasigaw kami matapos itong makita. Liwanag ng buwang ang dahilan kung pa'no namin 'yon nakita, kahit may kaunting pagpatak ng ulan ay may nakasilip pa ring buwan na naghahatid liwanag.
“Magbibilang ako! Ang aarte n’yo sumigaw!” sigaw ng kung sino. “Sisigaw rin kayo mamaya, at magmamakaawa para sa buhay n’yo!”
Hindi ko maintindihan kung bata o matanda, babae o lalaki ang nagsasalita. Ang boses nito ay nakalilito. Mapanlinlang. Mataas na makapal at malalim na boses. Maaaring lalaking nagpapaliit at pinapatinis lang ang boses. At posible ring babae na pinapalalim lang ang boses.
Pero kahit ano at sino man siya, ang alam lang namin ay kailangan namin siyang matakasan at matakbuhan. Dahil hindi man namin nakita, ay sigurado akong may ginawa sila kay Nay Sabel at Nay Sita.
Nagdadasal din ako sa loob loob ko na sana ay wala rin nangyaring masama kay Blue at sa pinsan ko.
Nakapagtataka na, wala akong makitang bakas o patunay kung nasaan na sila at saan sila pumunta. Ni boses o sigaw nila ay wala ako, kaming narinig. But, I hope they are both safe. It's okay if we aren't all together, I just wished for the safety of any of us.
“Magbibilang na ako, ha!” sigaw nito at tumawa ulit.
We held each other's hand, kaya ramdam namin ang panginginig ng kamay naming lahat, dahil siguro sa lamig at takot.
I looked at both of them and like me, maybe they are praying and wondering for the other two we are with, maybe they are also worrying for the possibilities that will happened to both Blue and Dave. Kita ang pag-aalala at takot sa mga mata at mukha nila, takot sa susunod na mangyayari at takot sa p'wedeng mangyari.
“Magbibilang na ako, ha!” At ramdam na nga namin ang dahan-dahang paghakbang nito.
“Hanggang tatlo lang ’to, mga tanga.” Tumawa itong muli na nakapag-pataas ng balahibo ko.
“Tumakbo na tayo!” asik ko sa kanilang dalawa. Dahan-dahan silang tumango na parang nagdadalawang isip pa.
“Walang bibitaw,” paalala ni Gabriella at sabay naman kaming tumango ni Zarina.
BINABASA MO ANG
APRIL FOOLS
Mystery / ThrillerCOMPLETED NA MEDYO EDITED. Claire Arsenia, a second year college, has perfect circle of friends and a perfect life. But once upon a time, in their college life there was a traditional camp they have. It's not as ordinary as the picture on their head...