BLUE'S POV.
“Ako iyong parating nakasunod sa inyo.” Pagkatapos niya iyon sabihin ay nakita at naramdaman ko ang panlalaki ng mata ng mga kasama ko at ng mga mata ko.
“A-ano?” naguguluhang sigaw ko.
Ano? Teka! All this time? Siya iyon? Ang laging sumusunod sa amin?
When I routed my gaze towards my friends, I saw how the amusement passed by at Claires face. I saw the shock draw on Zarina's face, and I saw how Gabriella clenched her fist and how she gritted her teeth.
When I rerouted my gaze to the lady, it gave me a nod. She answered my question with a nod. And that means yes!
I exhale a large amount of air and shrugged my head out of frustration.
Pagkatapos noon ay nakita ko nang ibaba ni JC ang tasa niyang hawak. Sa pagkakataon na iyon ay alam ko na ang posibleng tumatakbo sa utak niya. Sinundan ko ng tingin ang dahan-dahang lumalapag na tasa sa lamesita, pabalik sa mukha ni Claire.
Bakas sa mukha nila na gustong gusto na nilang tumakbo paalis dito dahil sa narinig. At sigurado ako na nagdadalawang isip na si Claire na umalis.
Tulala na tila nakalutang na lang kami dahil sa narinig. Nang tignan ko pabalik ang mga kaibigan ko ay nakita ko kung paano tumalim ang tingin ni Zarina sa kaharap at ibinalik ulit sa tasa niya at humigpit lalo ang hawak dito.
“P-pero...” Hindi na maituloy ni Gab ang sasabihin niya dahil sa kaguluhan.
“Meow...” Nawala ang atensyon ko sa mga kaibigan nang may sumulpot na pusang itim. Napatayo si Nanay Sita, nilapitan niya ang pusa at kinalong ito. Hinahaplos haplos pa nya ang ulo ng pusang itim na iyon.
Sinundan ko lang ng tingin ang pusa habang kalong ito ni Nay Sita pabalik sa kinauupuan niya. Habang ang paningin ay nasa pusa, may parte sa akin na nagsasabi na parang nakita ko na ang pusa na iyon, iyon mismo!
Hindi ko lang matandaan kung saan, kailan ko nakita ang pusa na iyon. O baka naman kamukha lang? Baka kakulay na nakita ko sa daan noon?
Tahimik kong pinipilit alalahanin kung saan at kailan ko nakita ang pusang itim na kalong ngayon at hinahaplos ni Nay Sita. Inisa-isa ko pa ang mga bahay ng mga kaibigan ko para alalahanin kung may pusa ba silang itim.
Hanggang sa parang isang metal ang parang sumagi sa isang parte ng guniguni ko at parang isang lamig ang tumama sa utak ko nang maalala kung saan ko namataan ang pusang itim, o sabihin ko nang, pusang 'yon!
Sa kubo nina Felicia!
Nakangiting ipinilig ko ang ulo ko sa isiping iisa lang ang pusang itim na iyon.
Imposible.
Maraming pusa sa mundo, at lalong hindi rin iisa ang pusang itim kaya malabo na iisa lang ito.
“Meow.” Pumipikit-pikit pa ang pusa na palatandaan na gustong gusto ang ginagawa sa kan'yang paghaplos.
Kasabay ng pananahimik namin at buhos ng ulan ay lalong lumalalim ang gabi at lalong lumalamig.
Imbis na mag-isip pa nang mag-isip tungkol sa pusa at binaling ko ang atensyon sa iba at natuon iyon sa tasa ni Claire na nasa lamesita. Kinuha ko iyon at inabot sa kaniya.
Nakita ko nang sumenyas si Dave na parang gustong may tumayo at lumapit sa kaniya. I arched an eyebrow, a sign of asking if he was pertaining to me and he slightly nodded.
BINABASA MO ANG
APRIL FOOLS
Mistério / SuspenseCOMPLETED NA MEDYO EDITED. Claire Arsenia, a second year college, has perfect circle of friends and a perfect life. But once upon a time, in their college life there was a traditional camp they have. It's not as ordinary as the picture on their head...