CHAPTER TWENTY-FIVE:A SLICE OF TRUTH AND LIES

26 17 7
                                    

A/N:

Hindi pa rin ako maka-move-on sa 1k reads! Thank you!<3
 
——
 

Ayoko na rito!’
 

Naka-alalay ang mga kamay ko, dahan-dahan akong tumatayo at pilit nilalabanan ang kirot na nararamdaman ko sa iba’t-ibang parte ng katawan ko.
  

Nanginginig na iginalaw ko ang paa ko. Mariin ako napapikit nang may bumahid na sakit sa parteng iyon ng tiyan ko.
  

Sa isip ay nagpaplano na ako ng susunod kong gagawin oras na maitayo ko ang sarili ko rito.
  

Ngunit iaangat ko pa lang ang tuhod ko nang may isang bagay ang dumapo sa batok ko na kung hindi ako nagkakamali ay isang kahoy at isang pamilyar na boses ang nagsalita.
 

“Huwag kang aalis diyan...”
   

Nanayo ang balahibo ko pagkatapos sabihin ng kung sino ang linyang ’yon. Teka! Hindi lang kung sino dahil napakapamilyar ng boses at sigurado akong kilala ko ang nagmamay-ari niyon.
 

Kusa ring tumuwid ang likod ko na parang ’yon ang tamang gawin at para makapaghanda sa susunod na mangyayari.
   

Kahit may naramdamang kaunting kirot ay sinubukan kong ipagapang ang kamay ko at maghanap o kumapa ng puwedeng panglaban.
 

Pero namilipit at napasigaw na lang ako sa dagdag na sakit nang mariin niyang tapakan ang kamay ko.
  

My lips twisted and parted after as the river of pain flow on my veins. I hardly closed my eyes and watching the state I imagined of the present scenario of my hand.
  

It feels like it was an egg being crushed and stepped on.
  

Holy hell.
 

The undeniable pain was screaming all over my body and I don’t like it.
   

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito at ang tikhim nito pagkatapos.
  

Pagkatapos ng pagtawa niya ay natahimik ito at nasisigurado kong sumeryoso ang mukha nito.
  

Unti-unti kong naramdaman ang unti-unting paglapit nito sa akin. Bumaba ang ulo nito palapit sa tainga ko para bumulong.
 

Ang balahibo ko sa batok ay kusa na namang nagtayuan sa sinabi nito.
  

Tumikhim ito bago nagsalita, “One wrong move, and you’re dead.”
  

Nag-ipon ng sandamakmak na lakas ng loob bago nagsalita, “Who are you–” Pero hindi pa ako natatapos sa itatanong ko ay nagsalita na ulit ito.
  

“Oh, sweetheart, shut up.” Hinawakan nito ang buhok ko at marahan na hinaplos iyon, pero imbes na matuwa ako ay lalo lang itong nakadagdag sa kaba ko.
  

Tumigil ito sa pagsasalita. It’s hand swiftly moved from my hair down to my chin. Gamit ang hintuturo ay sinundan niya ang linya ng panga ko.“You know me, no need to ask. Kung hindi ka lang—kayo, sana tanga, eh, ’di mahusay.”
  

Pagkatapos magsalita ay walang-pasabi nitong iniangat ang mukha ko gamit pa rin ang hintuturo niyang naglakbay sa panga ko kanina lang.
   
 
Narinig ko ang mahinang tunog na parang may nahulog sa lupa. Sa palagay ko ay ’yon ang kahoy na kaninang itinapat niya sa batok ko.
 

Nanlalaki ang matang pinakikinggan ko lang itong magsalita.
 

Hindi ko na kailangan pang magtanong nang magtanong. Sa salita pa lang nito ay kilala ko na.
  

APRIL FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon