“Felicia--” Naputol ang sasabihin ko nang may...
Bumato, na naman!
P*tangina.
Dumeretso ito mula sa bintana papuntang loob at natamaan ang isang lumang picture frame ng isang magandang babae na naka-bestida at may hawak na manika. Pamilyar ang manika.
Lalapitan ko na sana iyon at titignan ng maayos kung pamilyar nga ba o nakita ko na ba ang manika na iyon pero muntik na akong tumalon sa gulat nang may bigla na lang humawak sa balikat ko. Tinignan ko ito at nakita ang naka-pilit nakangiting mukha ni Felicia.
“Who is she?” tanong ko sabay turo sa picture frame na nasa lapag na.
Tinitigan iyon ni Felicia at nakita ko kung paanong dumilim ang mata nito sa nakita. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa picture frame na nabasag o dahil sa litratong nandoroon.
Dahan-dahan siyang lumapit doon at bago pa man niya mahawakan ay tumayo na siya na may nag-aapoy sa galit na mga mata. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siya tumakbo palabas.
“Felicia!” Sigaw naming pare-pareho. Kitang-kitang ang gulat na dumaan sa mukha nila sa kilos na ginawa na 'yon ni Felicia.
“Diyan lang kayo sa loob!” Sumilip pa ito sa bintanang sira. “'Wag kayong lalabas!” Kahit umuulan ay tumakbo lang ito.
“Oh, my God! What the hell is happening to us!” Zarina held her forehead and sat on the wooden chair.
“Camping lang pinunta natin dito, punyeta, bakit ganito?! Bakit... Bakit may nangyayaring ganito?” Tumingala pa si Gabriella pagkatapos sabihin iyon na parang pinipigilang lumuha.
“Dave was missing, Sky’s head was bleeding and now hinayaan nating tumakbo si Felicia sa gitna ng dilim, sa gitna ng ulan! Hinahabol ang hindi naman natin kilalang bumabato!” Blue yelled.
“Once na makaalis na tayo rito, hinding hindi na tayo babalik! This place is hell! Lahat ng pangyayaring masama dito nagaganap sa lugar na ’to!” I shouted also.
“‘Yan ay kung makaaalis pa tayo rito.” I heard Zarina said.
Minutes of waiting, nagtingin-tingin kami sa loob ng kubo. Maliit lang naman, tambakan ng mga kahoy sa ilalim na silong. Kalan sa gilid ng bahay. Bangko na yari sa kahoy, na walang sandalan. Lamesang maliit. May isang kuwarto na merong isang kama na gawa rin sa kahoy.
Sinamantala ko ang pagkakataon na katahimikan na iyon. Lumayo ako sa may bintana at muling lumapit sa picture frame na nabasag. Balak kong ipagpatuloy ang pagbubusisi ng larawan na nandoroon. Ang manika, ang babae.
May kung ano talaga sa sarili ko ang nagtutulak sa akin na muling tignan o silipin man lang ang picture frame. Kaya naman naglakad ako malapit dito. Nang nando'n na ako sa harap niyon ay sinimulan kong dahan-dahang hawiin ang mga bubog na nasa ibabaw nito.
Marahan kong kinuha ang larawan mula sa picture frame doon ko nakita ang isang maganda nga talagang babae. Kung ako ang tatanungin ay masasabi kong ito ang mas pinabatang bersiyon ni Felicia.
‘Was it her? Was it Feli?’
Kahit ako ay walang naisagot sa sariling tanong ko na iyon. Pagkatapos paka-titigan ang babaeng nadoon ay sinubukan ko namang dalahin ang atensiyon ko sa hawak nitong manika.
Pero nang akma ko itong ilalapit sa mukha ko at sisilipin sana ng maayos, may bigla na lang humablot nito mula sa kamay ko.
I innocently gave Zarina a look. Naiwan sa ere ang kamay kong may hawak kanina ng larawan.
BINABASA MO ANG
APRIL FOOLS
Gizem / GerilimCOMPLETED NA MEDYO EDITED. Claire Arsenia, a second year college, has perfect circle of friends and a perfect life. But once upon a time, in their college life there was a traditional camp they have. It's not as ordinary as the picture on their head...