CHAPTER TWENTY-FOUR: DEAL WHEN MUD AND BLOOD COLLIDE

31 14 9
                                    

“Stand up and listen to me,” he edicts.
   

Nagtalo-talo pa ang iba't-ibang parte ng utak ko kung susundin ba ang utos nito sa akin na tumayo at makinig o mananatili na lang na nakaupo.
 

Nagtatalo rin ang iba't-ibang parte na ’yon kung alin nga ba ang tama kong sundin sa dalawang iniutos niya.
 

Ang tumayo ba, o ang makinig.
  

Mas madaling sundin ang sinabi niyang tumayo na lang ako dahil marami akong magagawa sa sarili ko kapag ginawa ko ang bagay na ’yon.
 

Pero ang makinig? Hindi mangyayari. Sisiraan niya lang ang imahe ng mga kaibigan ko sa akin. Kukunin ang tiwala ko, pilit lalasunin ang utak ko at ako mismo ang pilit ipapain sa mga kaibigan ko.
 

Mas may tiwala ako sa kanila kaysa rito sa kaharap kong harap-harapan na akong pinagmu-mukhang tanga.
 

‘Son of a bitch like you don’t deserve my listening ears.’
 

I secretly roll my eyes and plant a slight smirk on my lips.
 

Unti-unti akong tumayo, sinusunod ang utos niya. Wala akong magagawa, desisyon ko ang ipakita o iparamdam dito na binababaan ko na ang pride ko sa ngayon.
   
 
Kasabay ng pagtayo ko ay ang pag-iipon ko ng lakas at paghahanda sa plano kong susunod na gagawin at ang paglalaho ng ngisi sa labi ko.
   

‘Anong gagawin ko? Lalaban ba ako? Pero paano? Tatakbo na ba ako? Pero saan naman ako pupunta? Aalis? Ano?! Paano ako—’
 

Unti-unting sumilay sa labi ko ang isa na namang ngisi ng dahil sa naisip.
 

Itinapat ko sa kaniya ang flashlight habang tumatayo ako, dahilan para masilaw ito at iritado itong iniwasan.
 

Hindi ko inaalis ang pagkaka-tapat ng flashlight sa mukha niya hanggang sa maayos na akong nakatayo.

 
Sinigurado kong hindi ako nito makikita dahil kapag lumingon ito, ang ilaw ang sasalubong sa paningin niya.
 

Nang alam kong handa na ang sarili ko at nasa kondisyon na ito ay nagsimula na akong humakbang paatras.
  

Dahan-dahan lang akong lumakad patalikod hindi inaalis ang pagka-tutok ko ng flashlight sa kaharap ko.
  

“Ano ba?!” angal pa nito.
 

Hanggang sa ang atras ko ay maging takbo, bago pa man ma-i-kondisyon ng Supervisor ang sarili niya ay nakatakbo na ako palayo sa kaniya.
 

‘Who’s the stupid now?’
    

Napangisi ako habang tumatakbo ng mas mabilis.
  
  
Saglit kong tinignan ang kamay kong libre at walang hawak, ilang saglit pa ay inilagay ko ito sa namamanhid ko nang ulo.
  

I lightly held my head and grimaced after. I felt a current just flowed on my body and felt the pain by just tapping it gently.
 

Itinutok ko na sa harap ko ang flashlight pero napansin ko na ang pahina nang pahina na sindi nito.
 

Umiling ako nang umiling, ilang beses akong nagmulat at pumikit sa ideya na nasa utak ko.
 

‘Oh, no, no, no!’
 

I’m literally cussing and cussing on my head with my eyes wide opened and a shocked reaction plastered on my face. I think I just said all the profanity words a person can say in my freaking mind!
   

Ang sindi ng hawak kong flashlight ngayon ay para nang pundidong ilaw sa labo, at patay-sindi nitong pag-ilaw.
  

Please, not now! I need you, for freaking sake!’
  

APRIL FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon