“Aaaaaaaa!” Sabay-sabay at malakas naming sigaw.
Binato kami!
Napayuko kaming lahat ng saglit kasabay ng halo-halong mga sigaw.
“T*ngina! Nasa'n na?” sigaw si Sky at lumingon pa kung saan-saan na parang praning, sa pag-aakalang baka balikan kami nito.
At umayos na kami ng upo. Nawala na ang matanda sa paningin namin. Luminga-linga pa kami sa paligid pero wala na kaming makitang bakas ng matandang ’yon.
“Nawala!” I shouted.
“Gago, nasaan na?” Sky asked with a crumpled forehead.
“Bakit tayo n’on binato?” sigaw naman ni Gabriella na parang handa nang magpaulan ng sandamakmak na mura.
Samu’t saring angal at mura pa ang kumawala sa bibig ng mga kasama ko.
“Felicia!” We shouted. Umalis siya mula sa pagkakaupo. Hinawakan ko naman ang pala-pulsuhan nito at sinubukang pigilan sa balak niyang paglabas.
Nanlalaki ang matang tinitigan ko siya kasabay ng marahas na pag-iling.
“Titignan ko lang,” she replied. Umiling kami nang umiling. Hindi puwede!
“Baka and'yan pa ’yong matanda! Baliw yata ’yon, eh! ’Wag ka munang lumabas!” Gabriella said.
“Felicia, ano ba?!” I shouted at her.
“Feli, just stay here! Don’t go anywhere, baka kung mapaano ka pa!” sigaw sa kaniya ni Zarina na hindi na maipinta ang mukha at kulang na lang ay higitin paloob si Felicia.
But Felicia didn't bother to listen. Kumawala siya mula sa pagkakahawak ko sa kaniya. Lumabas siya ng sasakyan at sinara ang pinto. Yumuko ito na parang may kinuha sa daan. Kinuha niya yata ang bagay na ibinato ng matanda sa amin.
“Ano ’yan?” Blue asks as he opened the window in passenger seat.
“Manika,” sagot ni Felicia at dahan-dahang tumatayo.
“Kanino ’yan? Iwanan mo na ’yan diyan!” gigil na sigaw ni Dave na namumutla na ang mukha.
“Sumakay ka na rito, Felicia! Punyeta!” sigaw naman ni Sky.
Naka-ilang sigaw kami kay Felicia na bumalik na sa loob. Dahil hindi kami makakaalis kung wala pa siya rito sa loob.
Pero parang napako na sa kinatatayuan si Felicia nang matamaan na ng ilaw mula sa sasakyan ang manika at mapagtanto ang itsura ng bagay na hawak niya.
‘Anong meron sa manika na 'yon? Bakit parang gulat na gulat siyang makita ’yon at hindi niya pa inaasahan?’
“Feli!” It's Zarina this time.
Lumabas mula sa dilim ang matandang babae! Nakasabit na lang sa balikat niya ang malong, kaya kita ang mahaba nitong buhok. Naglalakad ito palapit kay Felicia.
Natahimik ang mga kasama ko at parang naparalisa ang bibig dahil hindi sila makapagsalita. I heaved a sigh.
“Felicia! Pumasok ka na rito, t*ngina!” sigaw ko na iwinawasiwas pa ang kamay.
Tuluyan nang nakalapit ang matanda kay Felicia na nanginginig na. Tila lalo itong napako sa kinatatayuan nang dahan-dahan siyang tumingin sa kaharap.
Iminuwestra ng matanda ang kamay niya na animo'y hinihingi ang hawak ni Felicia. Dahan-dahan namang binalingan ni Felicia ang hawak bago bumaling sa amin.
BINABASA MO ANG
APRIL FOOLS
Misterio / SuspensoCOMPLETED NA MEDYO EDITED. Claire Arsenia, a second year college, has perfect circle of friends and a perfect life. But once upon a time, in their college life there was a traditional camp they have. It's not as ordinary as the picture on their head...