CHAPTER FIFTEEN: WHITE VEIL BEHIND THOSE TREES

40 28 8
                                    

8:15 p.m.
  

“Because they god damn scared us! Not once, not twice, but thrice!” I shouted. “Good gracious, are you dumb or dumb?”
 

Medyo hiningal ako sa pagsigaw, and my head hurts a bit by that shout. Marahan akong napapikit at hinilot ang sentido ko. Kasabay nang pagpikit ko ng mariin.
 

Pero parang lalo akong hiningal sa nakita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. At naninikip ang dibdib ko dahil sa nakita, para akong sinasakal.
 

Napaawang ang bibig ko pero walang salitang lumalabas. Sinundan ko lang ng tingin ang dumaan, habang nakatunganga. Nakabukas ang bibig, pilit ginagalaw para makapagsabi man lang kahit isang salita, pero hindi. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko.
 

May suot itong puti na malong. Hindi katangkaran. Hindi ko makita ang buhok. I can’t see her face clearly because of the dark, but I saw how she looked at us. It was like, she is watching us, always!
 

Nang maramdaman niya siguro na nakita ko siya ay naglakad siya, na lalong nagpadagdag sa kaba ko.
 

She walks slowly, she was probably making sure that I’ll be terrified.
  

Hanggang sa mawala na ito sa paningin ko at tanging kaluskos na lang sa damuhan ang narinig kong pahina nang pahina.
 

“Claire, ayos ka lang?” tanong sa ’kin ni Gab na inalog pa ang balikat ko.
 

“This is bullshit,” I whispered.
 

“Why?” it’s Zarina.
  

“I... I... s-saw something, n-no... I mean I saw s-someone,” I said.
 

“Huh? Ano ba iyang sinasabi mo?” Blue asks me.
 

Umiling lang ako. Napaawang lang ang labi ko pero walang lumabas na salita.
 

Hindi ko naman kayang maipaliwanag ang nakita ko. Ni hindi ko kilala. Paano ko ipapaliwanag kung sa sarili ko ay hindi ko maintindihan kung totoo ba ’yun o guniguni ko lang dala na rin ng pagod, lungkot at iba pang halo-halong emosyon.
 

Sa maikling panahon ay naramdaman ko ang halo-halong pakiramdam. Ni hindi ko na nga maintindihan kung ano ang uunahin kong maramdaman. Parang gusto ko na lang, lamunin ng supernatural na enerhiya at maglaho na lang.
 

Sa mga nangyari ay nakaramdam ako ng kaba, lungkot, at takot para sa susunod pang araw namin dito. Hindi namin alam kung hanggang kailan kami rito. Kung makakaalis pa ba kami o hindi.
 

Kung lahat ba ng nakakasama namin ay mapagkakatiwalaan. Lalong lalo na ang dalawang matanda sa loob ng kubo na iyon.
 

Tinakot at ginulat. Hindi ko na alam!
 

‘Bakit sila pa ang tumulong kay Dave? May kapalit ba ‘yon? Buhay ba ni Dave?’
  

Napatingin ako kay Dave kasabay ng pag-iling. Hindi, e.
  

Anong kapalit? Buhay ba naming magkakaibigan? Kaninong buhay? Pero paano nga kung wala naman talagang kapalit at gusto lang ng mga itong tumulong?
  

Pero sino naman sila para tulungan ang kaibigan ko? Santo na tumutulong ng walang kapalit? O baka naman demonyo? Tumutulong dahil may gustong kapalit.
 

“Psst.”
  

Aligaga kaming lumingon. Nang mula sa katahimikan at patak ng ulan sa lupa ang maririnig, bigla na lang may nag-sitsit sa amin.
  

Lumigon kami sa parteng ‘yon. Pati rin sa parte roon.
  

Sabay-sabay kaming lumingon sa kaliwa.
 

APRIL FOOLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon