[ CHAPTER 26 ]
WRITTEN BY: NIXS
Nakitulog sa akin kagabi si Yuri dahil daw tinatamad siyang umuwing mag-isa. Sasama rin kasi kami sa airport. Ngayon kasi available kami. Hindi tulad noong umuwi sila Faye.
Naka-sleeve top ako at nag-pantalon na lang habang si Yuri ay nag-square neck top habang naka-short.
Nag-taxi na lang kami at saka na muna pumunta sa shopping center ng Paris. Mamaya pa raw kasing alas-tres 'yung lipad nila Alexandrei kaya naisipan muna ni Kyline na mag-mall kami. Eleven pa lang naman kasi.
Pagkarating namin ni Yuri sa mall ay nakita 'agad namin sa labas sila Kyline at Alexandrei. They look so cute together. May konting katangkaran si Alexandrei kay Kyline. Pero konti lang 'yun dahil matangkad din na babae 'tong si Kyline.
'Agad na kumaway itong kasama ko at ngumiti lang ako at lumapit na kami sa kanila.
"Okay lang ba sa inyo na hiramin namin 'yung time niyo? Gusto ko lang kayong maka-bonding!"
Umiling naman kami at ngumiti. "Okay lang, ano ka ba!" Sagot naman ni Yuri.
"Gutom na ba kayo? So, we can eat first!"
"Hindi, nag-almusal naman kami," sagot ko at tumango siya.
"So, shopping?"
"Yes, shopping!"
Nakahanap rin ng makakasundo itong si Yuri dahil mahilig rin pa lang mag-shopping itong si Kyline. Ako kasi ay kapag may kailangan lang.
Humawak si Kyline sa braso ni Alexandrei habang naglalakad kami. Habang kami ni Yuri ay nasa likuran nila at sumunod na sa kanila. Pumasok kami kaagad sa H&M.
"Let's go and go around! Marami tayong mahahanap. I'll pay! Kasi minsan lang naman 'to at baka hindi pa tayo ulit mag-kita," sabi ni Kyline at nagkatinginan kami ni Yuri.
Para kaming nasa purgatoryo at hinihila kami ng langit at impyerno. Ang hirap namang um-oo at the same time humindi.
"Huwag na," sagot ko at naramdaman ko pa ang pag-siko ni Yuri sa akin at hinigpitan ko ang ang hawak ko sa kaniya.
"No, I insist! Maybe, nahihiya lang kayo! Tara na!"
"Si Yuri na lang, hindi naman ako mahilig sa ganiyan. Sige na, pili na kayo!" Tinulak ko pa si Yuri palapit kay Kyline at pinanlakihan niya alo ng mata.
"Okay? Bub, dito ka na lang ba with Gwen? I guess, 'di ka naman mamimili," sabi ni Kyline habang nakanguso sa harapan ni Alexandrei at natawa naman si Alexandrei at tinap ang ulo ni Kyline.
"Oo, tama ka. Sige na, hintayin namin kayo dito."
Hinila na ni Kyline si Yuri. Siguradong matagal sila dahil baka magsusukat pa at mamili si Kyline para regalo sa pamilya niya.
"Hindi ka ba mahilig mag-shopping?" Tanong ni Alexandrei at tumingin ako sa kaniya.
"Hindi, nahihiya ako kaya tumanggi ako dahil bakit ko pa tatanggapin, e hindi nga ako mahilig doon. Sayang lang pera niya," saad ko at napangisi naman siya.
BINABASA MO ANG
What If, We Stay?
RomanceIt's not all about love, but a friendship. [STILL UNEDITED]