[ CHAPTER 34 ]
WRITTEN BY: NIXS
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinapkap ko 'yon kahit nakapikit pa ang mga mata ko. Nang dinilat ko ang mata ko ay nakita ko ang pangalan ni Alexandrei kaya agad ko 'yong sinagot."Hmm?"
[Hala, naistorbo ko yata tulog mo! Tatanungin ko lang sana kung tuloy pa tayo. Sorry.]
Napalikwas agad ako sa pagkahiga ko. Nakalimutan kong may usapan pala kaming dalawa! Napatingin ako sa sarili ko at iba na ang suot ko. Nalasing na naman ako!
"A-ah, okay lang! Buti nga tumawag ka, e. Magre-ready lang ako tapos okay na."
[Sunduin na kita.]
Nakakahiya naman dahil ako na nga nag-aya sa kaniya tapos susunduin niya pa ako.
"Huwag na..."
[Ano ba, okay lang. Para rin safe. Sige na, ready ka na. Omw!]
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Ano ba, wait lang—"
Namatay na 'yung tawag. Wow lang, ang malas ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit na naman. Sinabihan ko naman ang sarili kong huwag iinom pero anong nangyari? Bakit nalasing na lang ako? Nakakairita na!
Kumuha agad ako ng susuotin ko at 'yung tuwalya at saka na pumunta sa banyo. Wala na sa kwarto sila Aqui kaya wala pang nang-aasar sa akin. Napatingin rin ako sa orasan at mag-a-alas-onse na.
Pagkatapos kong maligo ay naka-towel pa 'yung buhok ko at naka-dress na lang ako dahil mas kumportable ako doon. Nag-suklay ako at saka na inayos ang sarili ko at kinuha na 'yung maliit na bag ko. Hindi ko pa pala nasabi sa kanilang aalis ako.
Lumabas na ako at nasa sala silang lahat— maliban kay Khalil. Napatingin pa sila sa akin.
"Wow, kagigising mo lang! Saan punta mo?" Bungad ni Faye at hindi naman agad ako nakapag-salita.
Hindi naman sa tinatago ko pero inaalala ko pa 'yung kahihiyan ko kagabi. Alam kong may nangyaring nakakahiya at gusto kong maalala.
"Aalis ka?" tanong ni Yuri habang sinusuklay ang buhok niya. Sakto ay dumating si Khalil. Naka-apron pa siya. Ah, siya pala nag-luto ngayon dahil late ako nagising.
"Makikipagkita ako kay Alexandrei," sabi ko at nagulat pa sila.
"Anong meron?" curious pang tanong ni Aqui.
"Date? May girlfriend na 'yon ah!"
Epal naman na Charles! Sa tingin niya ba ang papatol ako sa may girlfriend na? At saka bakit kay Alexandrei pa?
"Hindi! Makikipagkita ako para ayusin 'yung problema ko sa pamilya niya..."
Napatingin pa ako kay Khalil na nakikinig lang sa amin ngayon. Umiwas na ako nang tingin nu'ng tignan niya ako. "Alam niyo naman na 'yun, 'di ba?" tanong ko pa at tumango naman sila.
May nag-doorbell at alam kong si Alexandrei 'yon at si Charles na ang nag-bukas no'n. Tama nga ako. Bumati sa amin si Alexandrei.
"May meet-up pala kayo ni Gwen, 'di kami inform!" Inis na sabi pa ni Charles at siniko ko naman siya.
"Sorry, hindi pala nasabi sa inyo ni Gwen." Napayuko pa si Alexandrei.
"Hindi nga." Napatingin naman kami kay Khalil. Tinanggal niya na 'yung apron at sinabit iyon sa braso niya. Nag-tugma ang tingin namin at umiwas agad ako. Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko na hindi ko naman maalala.
BINABASA MO ANG
What If, We Stay?
RomanceIt's not all about love, but a friendship. [STILL UNEDITED]