Kabanata 20

66 16 5
                                    

[ CHAPTER 20 ]

WRITTEN BY: NIXS


"Pwede po bang mag-duet si Ate Gwen at Kuya Khalil?" Nagkatinginan kami ni Gwen sa mga taong nagtatanong sa amin.

Halos mahimatay sila sa kilig kaya natawa ako sa isip ko. Nakita ko na nahihiya si Gwen kahit ilang beses na kaming kumakanta ng kaming dalawa lang. Were supposed to be the close one, kaso lahat nagbabago.

Dahil siguro sa ilang? Palagi na kaming pinagshi-ship ng mga fans, maging ang kaibigan rin namin. Hindi ko naman itatanggi na may nararamdaman na ako sa kaniya, since Senior High. Pero wala naman akong rason para aminin sa kaniya 'yun, baka masira lang pagkakaibigan namin.

"Huwag ka nang bumaba kung wala ka namang gagawin," sabi ko pa at napakunot naman ang noo niya. Hays, bakit ko nga rin ba sinabi 'yon?

Para tuloy akong bossy sa dating ko. Bakit naman kasi kaming dalawa lang ang naiwan sa sasakyan?

"Ha? Susundan ko lang naman si Charles at saka gusto ko din magpahangin," sagot niya at hindi na ako sumagot at lumabas na siya ng sasakyan.

Bigla ko na lang sinubsob ang mukha ko sa may manobela. Napaparamdam ko ang uncomfortable sa kaniya! Baka mawala na ang closeness namin!

Bakit naman kasi nahulog ako sa patibong na 'to? Bakit kasi siya pa?

Hinatid kami ni Aqui sa matutulugan namin. Magkasama kami ni Charles sa iisang kwarto dahil pinaghiwalay kaming lalaki at babae.

"Hay, sulit pahinga ko nito! Wala munang mga maiingay na taong nagsisigawan na 'pogi mo Charles!'" Natatawang sabi pa ni Charles at humiga sa kama at hinagis ko naman ang isang unan sa kaniya dahil sa sobrang hangin niya.

"Mas pogi ka, 'wag kang mag-alala," sabi niya at napailing na lang ako. "Pero paasa!" Sinamaan ko siya nang tingin at natawa lang siya.

"Tsk, secret secret ka pa kasi kung sino 'yung babaeng nagkaka-crush sa 'yo noon," sabi niya at umupo kaya napakunot ang noo ko.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko pa.

"Iyung babaeng sinabi mo sa akin noong SH," pilit na sabi niya at napaawang ng konti ang bibig ko at tumango nu'ng maalala ko.

Si Kyline.

Wala naman akong dapat sabihin sa kanila o kung sino 'man si Kyline. Parte lang siya ng nakaraan ko at hindi naman na ganoon ka-big deal.

"Wew, baka imagination mo lang 'yon kaya ayaw mong sabihin!" Reklamo niya pa at ngumisi naman ako.

"Hindi naman ako katulad mo 'no," sabi ko at babatukan niya sana ako pero naka-ilag ako.

"Sana talaga hindi ka i-crush back ni Gwen!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tumingin sa kaniya. Napatakip naman siya ng bibig niya.

"Ay, hindi mo ba siya gusto?" Tanong niya at umiwas naman ako nang tingin.

"Gusto," sagot ko at napalunok. "Bilang kaibigan.."

Natawa naman siya nang malakas kaya binato ko ang damit niya dahil ang ingay ingay niya. Kung pwede lang mag-sama na lang sila ni Aqui.

"Walang gan'on!" Sigaw niya pa at inismiran ko lang siya.

Nag-bi-bike kami ngayon at na-alarma kami kaagad nu'ng biglang matumba si Gwen sa bisekleta niya dahil may nakabanggaan siya. Tinignan ko 'yung lalaki at agad naman itong lumapit kay Gwen. Lumapit rin kami at itatayo na sana nu'ng lalaki si Gwen pero inunahan ko na siya.

"Sorry po, Miss, 'di ko talaga sinasadya," sabi pa nu'ng lalaki at umiling lang si Gwen at ngumiti.

Umalis na 'yung lalaki at napaharap naman ako kay Gwen. "Sa susunod mag-ingat ka dahil ayaw kitang nasasaktan." Napalunok ako sa sarili kong sinabi. Maging siya ay nanlaki ang mata.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon