Kabanata 18

51 16 0
                                    

happy 1k!!!!!

[ CHAPTER 18 ]

WRITTEN BY: NIXS

"Anong nangyayari?" Biglang lumabas sila Faye at Aqui sabay ang pagdating ni Charles.

"Grabe, napagod ako- anong nangyayari?" Kaninang masiglang bungad ni Charles ay napalitan ng pag-aalala.

Lumapit siya sa amin at nanlaki ang mata niya nu'ng makitang may luha kami kaya lumapit kaagad siya sa akin.

"Gwen, anong nangyari?" Tanong niya pa at hindi naman ako naka-sagot.

Paano ko ba sasabihing sumusuko na si Khalil sa akin? Na ayaw niya na? Paano? Lumalaban ako kasi alam kong lalaban siya tapos malalaman ko, susuko lang siya.

"Sagutin niyo ako, anong nangyayari?!" Biglang tumaas ang tono ni Charles at napakuyom pa ang kamao niya kaya napaiwas na lang ko nang tingin.

"H-hayaan muna natin sila," sabi ni Faye at lalapitan niya na sana si Charles pero umilag si Charles at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Sabihin mo sa 'kin, bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin at napapikit lang ako at yumuko.

"Putcha." Narinig ko pang bulong niya at napadilat na lang ako ng mata at napaangat nang tingin nu'ng marinig ko ang sigaw nila Faye at Aqui.

"Charles!"

Nakita ko kung paano mapaupo si Khalil dahil sa suntok ni Charles. Lalapitan ko na sana si Khalil pero hinarangan ako ni Charles.

"Anong ginawa mo sa kaniya?" Tanong niya kay Khalil at tumayo si Khalil habang inaalalayan siya ni Aqui at pinagpagan niya ang sarili niya.

Pumiglas siya sa pagkahawak ni Aqui at babalik na kukunin na sana 'yung mga libro niya pero agad siyang kinuwelyuhan ni Charles.

"Kanina pa kita tinatanong, anong ginawa mo?! Ikaw pa ang nag-sabi sa akin na walang babae dapat ang umiiyak ng dahil sa atin, pero ano ang ginagawa mo ngayon?" Irita niyang tanong at tumingin lang sa kaniya si Khalil.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko," kaswal na sabi niya at pabagsak na binitawan ni Charles si Khalil.

"Wala? Baka nga, baka wala na. Anong ginawa mo kasama 'yung babaeng kaninang nag-hatid sa 'yo dito? Niloloko mo ba si Gwen?"

Mas lalong nanikit ang dibdib ko dahil sa tanong ni Charles. Ayokong marinig ang sagot ni Khalil.

"Eh, ano naman sa 'yo?" Tanong pa ni Khalil at napakagat na lang ako sa labi ko.

"Aba, tarantado ka pala, eh-" Susuntukin sana ni Charles si Khalil pero pinigilan siya ni Aqui.

"Tama na! Ikakasal na si Gwen! Ikakasal siya sa ibang lalaki! Tama na, please!" Iyak na sigaw ni Aqui kaya napaawang ang bibig ko at tumingin sa kaniya.

Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kaniya ni Faye?

"Totoo ang sinasabi ko, bakit hindi si Gwen ang tanungin niyo!"

Napatingin sa akin si Charles at inaabangan ang sagot ko. Napatango ako nang dahan-dahan at napapikit ako dahil sa lakas ng suntok niya sa lamesa.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon