Epilogo

24 1 0
                                    

[ EPILOGUE ]

WRITTEN BY: NIXS

"Ang galing-galing niyo talaga!"

Ngumiti ako nang tipid at umupo sa may mono blocks at uminom ng kape. Dito ako dumaretso sa bahay ni Papa. Bukas rin kasi ay uuwi na rin si Mama. Gusto ni Mama na kaming dalawa ang susundo sa kaniya.

Katatapos lang ng virtual song namin nila Aqui. Magkakalayo kasi kami kaya napagisipan namin na mag-live na lang.

"Hindi na ba kayo magdadagdag ng bagong myembro? Wala na rin naman si Gwen." Napahigpit ang pagkahawak ko sa tasa at nilapag ko 'yon sa may lamesa dahil baka mabasag ko pa.

Gwen.

Ilang taon na siyang walang paramdam. Ilang taon na niya kaming iniwan. Hindi ko maintindihan kung paanong naging para sa amin 'yung ginawa niyang pag-alis kung ngayon naman ay wala kaming koneksyon sa kaniya?

"Mahirap siyang palitan," sagot ko kay Papa at napabuntong hininga siya.

"Oo, kaya pati ikaw hindi na nagmahal ng iba."

Umiling na lang ako. Hindi ko makita ang sarili kong magmahal ng iba na hindi siya. Ayoko, hindi ko kakayanin.

Sakto lang ay kauuwi ko lang sa apartment at pababa na ako nang may marinig akong maingay.

"Hoy, Charles! Huminahon ka muna kasi!" Sita pa ni Faye at napansin kong nakaluhod na si Alexandrei sa harapan nila.

Anong ginagawa niya dito?

"I'm sorry, kung lahat kayo nasira dahil sa akin—"

"Wala kang kasalanan!" Inunahan siya kaagad ni Faye pero hindi nagpatinag si Alexandrei.

"—Sorry talaga.... Hindi ko sinasadyang magulo 'yung buhay niyo—"

"Tumayo ka d'yan," utos ko at napatingin sila sa akin. "Hindi nakakagwapo ang pag-luhod mo d'yan. Umalis na si Gwen at desisyon niya 'yon. Wala ka nang kinalaman d'on," sabi ko kaya tinayo na siya nila Faye.

Gusto kong magalit sa lalaking 'to. Pero bakit? Porke ba mas may chansa siyang pakasalan si Gwen? Hindi ko alam! Wala sa lugar ang galit ko para saktan siya. Siguradong magagalit lang din ang mga kaibigan ko sa akin.

"Khalil."

Napalingon ako kay Alexandrei. "Pwede bang mag-usap tayo?"

Tumango na lang ako dahil parang mas maganda na rin na magkausap kami. Lumabas kami ng bahay at nakasandal ako sa may pader habang nasa loob ng bulsa ko ang magkabilang kamay ko.

"Alam ko naman na ang sagot sa itatanong ko, pero gusto ko lang malaman kung okay ka lang ba? Gwen left the country. Alam kong masakit para sa 'yo—"

"Oo, sobrang sakit. 'Yung tipong hindi ako makatulog sa gabi-gabi at iniisip ko kung paano ko sasabihing mahal ko siya kahit pinakawalan ko siya. Na kaya ko siyang hintayin hanggang sa gusto niya. Na kaya kong manatili sa tabi niya kahit bilang kaibigan na lang. Sa sobrang sakit, hindi ko na alam kung anong gagawin ko," litong-lito kong sabi at nakatingin lang siya sa akin.

Bumuntong hininga pa ako. "Gusto kong magalit sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit kailangan magustuhan ka pa ng mga kaibigan ko. Ang gaan ng loob nila sa 'yo. Pero ito kami, nakikipagkarera sa 'yo," natatawang sabi ko at umiwas nang tingin.

"Khalil, sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko para ipaliwanag sa inyo lahat nang nangyari."

"Okay lang, hindi rin naman babalik si Gwen sa kaka-sorry mo. Tulad nang sabi ko, desisyon niya kaming—tayong iwan."

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon