Kabanata 22

56 19 0
                                    

[ CHAPTER 22 ]

WRITTEN BY: NIXS


Kumain kami sa isang famous resto-bar. Pili 'yon ni Yuri dahil siguradong masaya daw 'tong araw na 'to. Hindi naman daw kasi namin nasulit ang bonding kahapon lalo na't pagod. 'Tsaka libre niya naman. Nag-pa-VIP pa siya para talaga solo namin.

Um-order siya ng mga pagkain at syempre hindi mawawala ang alak. Isa din siya sa malakas uminom kaya wala akong problema kapag kasama ko siya sa ganitong eksena.

May karaoke pa sa VIP room namin kaya mas lalo silang sumaya. Kumain muna kami bago mag-simula ng party.

"Wow ha, lagas pera mo niyan, girl!" Tawang sabi pa ni Faye habang kumakain ng french fries.

"Luh, okay lang! Minsan lang naman 'to and I'm really excited din kasi na ma-meet kayo," sabi niya pa at ngumiti kaya napangiti din sila.

"No wonder bakit close kayo ni Gwen, bait mo, e'!" giit pa ni Aqui. Hindi ko alam kung may halong ibang emosyon 'yun o ano.

"Bakit pala V Diamonds, e' apat lang kayo?" Tanong pa ni Yuri. Sa totoo lang, para siyang ligaw na kaibigan namin dahil sa pasmado rin ang bibig niya.

"Parte pa rin naman kasi si Gwen ng pagkakaibigan namin kaya gano'n," sagot ni Khalil na ikinagulat ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Kahit paano ay hindi nila ako kinalimutan.

"Marami ngang fan ang nagtataka kung bakit gano'n pero some of our fans, the assusmption is because of Gwen. Kasi dati nandoon siya sa banda kung saan FACKG pa 'yung pangalan. Ang bulok 'no? Bulok rin kasi nag-pangalan," sabi pa ni Faye at inirapan naman siya ni Charles at natawa naman kami.

"Bulok nga," saad pa ni Yuri kaya mas lalong natawa si Faye dahil napagtulungan si Charles.

"Mukhang sumisikat naman na pala kayo doon," sabi ko pa at napatingin naman sila sa akin.

"Iba pa rin nu'ng nandiyan ka," sagot ni Aqui kaya napaiwas ako nang tingin.

"Ah- hahahaha! Let's drink!" Sigaw ni Yuri at kinuha 'yung bote ng tequila.

Mukhang may malalasing dito, ah.

"Oh, huwag ka masyadong uminom, Gwen, baka hindi mo na naman kayanin," bulong pa ni Alexandrei sa akin at natawa naman ako.

"Hindi talaga," sagot ko at ngumiti naman siya.

"Naalala mo pa ba noong uminom ka bago ka umalis? Hindi ka na nag-paalam sa akin nu'n, ah!"

Biglang bumalik sa alaala ko noong panahong sa kaniya ako nagsasabi ng mga problema ko. Problema namin sa kasal na 'yan. Kamusta kaya siya noong umalis ako? Hindi kaya siya napagalitan ng magulang niya?

Mas lalo ko lang nare-realize na ang dami kong iniwang problema sa mga taong mahal ko. Pangako, aayusin ko 'yun.

"Wow, pero ikaw naman 'yung unang naka-alam na aalis si Gwen!" Reklamo pa ni Charles.

"Sorry!" Sabay taas pa ni Alexandrei sa kamay niya sa ere.

Wala pa 'mang isang oras ay naka-ubos na kami ng isang bote. Medyo hindi naman ako umiinom dahil ako lang yata ang mababa ang tolerance sa alak dito. Maliban kay Aqui na hindi naman talaga masyadong umiinom. Tamang daldal lang siya.

"Let's play truth or dare!" Sigaw ni Yuri at medyo namumula na ang pisngi niya. Hindi naman siya lasing pero 'agad na namumula ang pisngi niya dahil mestisa siya.

"Yuri, baka naman sa iba mapunta 'yan," bulong ko pa at umiling naman siya at kumindat.

"Ay, bet!" saad naman ni Faye kaya wala na akong nagawa. Nag-sama-sama na ang mga loka.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon