[ CHAPTER 27 ]
WRITTEN BY: NIXS
Marami akong inasikaso nitong mga nakaraang araw kaya hindi kami ganoon nakapag-gi-gig ni Yuri at sinabi na rin namin 'yun sa mga fans namin. Baka kasi nag-aalala sila. Ang lawak pa naman ng mga utak nila.
Galing ako sa Starbucks dahil bumili ako ng pang-morning coffee ko at binilhan ko na rin si Yuri. Ang sabi niya kasi ay kararating niya lang daw at nasa may practice room siya kaya doon na 'ko dumaretso.
Pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Yuri na naka-upo habang nagce-cellphone. Inabot ko sa kaniya 'yung binii ko at tinanggap niya naman 'yon.
"Tignan mo 'to, oh! Rumor dispatch!" Pinakita niya sa 'king yung cellphone niya at nakita ko doon ang mukha ni Khalil at saka ng isang babae. Naka-collage lang 'yung litrato nila.
Binasa ko 'yung nakalagay sa caption.
KHALIL ng V Diamonds at ang isang non-showbiz na ang pangalan raw ay Aria. Bagong girlfriend raw ni Khalil? Nakitang mag-kasama sila noon sa isang coffee shop ayon sa mga fans. No confirmation!
Napabuga na lang ako ng hangin. "Hayaan mo, rumor lang naman. At saka kung totoo 'man, suportahan na lang natin sila," saad ko at ngumuso siya.
"Payag ka do'n? Wala naman akong sinasabing siya pa rin, hays, ang gulo!" Nawiwindang na sabi niya pa at umiling na lang ako.
Paano nga kung sila na? Kung totoo 'yung issue sa kanila? Paano kaya sila nagkakilala? Tulad nang sabi ni Kyline, mahirap mahulog si Khalil kung wala namang rason para mahulog siya. Pero malay ko ba kung may kakaiba ro'n sa babaeng 'yon?
"Gwen..."
"Gwen!"
Napatingin ako kay Yuri na kanina pa pala ako tinatawag.
"A-ah?"
Tumuro siya sa may pintuan at nanlaki ang mata ko. Si Madame Acadia! Tumayo 'agad ako at yumuko.
"Gwen, follow me. We need to talk."
Lumabas na siya at sumunod na kaagad ako. Mayayari yata ako rito! Bakit ba kasi nalutang ako? Para tuloy akong batang umuwi ng late tapos kinakabahan sa pag-uwi.
Pumasok kami sa office ni Madame. Umupo na siya at pinaupo niya rin ako sa may harapan ng table niya.
"I heard that you decided to go back in the Philippines. I'm not against with your decision but I want to know why," sabi niya kaya napalunok ako.
"I left my parents, my friends, and some unfinished business without proper goodbyes. I think my sacrifices are all enough," sagot ko at tumango naman siya.
"I see, I know you're trying your best. I already know you, Gwen. I actually don't want to let go of you. But I'm just your manager. I'm just here to guide you, when things go wrong, I am here to save you but not to rule your life."
Napangiti ako. Simula't sa una pa lang, mabait na si Madame Acadia sa amin. Naging tunay siyang magulang sa amin. Oo, minsan masungit siya dahil na-i-stress siya sa maraming bagay.
Maraming nagsasabing kinokontrol lang daw niya kami pero ang totoo, hindi niya kami pinapakialaman. Kapag mali lang ang tinatahak namin, doon lang niya kami pinapakialaman.
"I appreciated you, Madame. I learn a lot from you, and I will never forget that."
Tumayo siya at pumunta sa harapan ko at niyakap ako. Ngayon ko lang naramdaman na parang sobrang hirap at the same time masaya. Mahirap kasi iiwan ko 'yung mga nakasanayan ko rito, pero masaya ako dahil ito na 'yun, 'yung matagal kong hinihintay. Babalik na 'ko sa mga kaibigan ko. Makikita ko na ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
What If, We Stay?
RomanceIt's not all about love, but a friendship. [STILL UNEDITED]