[ CHAPTER 28 ]
WRITTEN BY: NIXS
"Tara na, late na tayo!"Nag-check in lang kami sa hotel malapit sa venue kung saan 'yung party ni Kyline. Magna-nine na ng gabi at kanina pa kami late.
Inayos lang namin ang mga gamit namin at nag-palit kami ng suot at nag-make up ulit si Yuri kaya medyo natagalan. Alas-otso na rin kasi nu'ng nakarating kami rito.
Walking distance lang 'yung lugar na pupuntahan namin. Nag-lakad na lang kami pero para kaming run away bride dahil sa suot namin. Naka-long dress kasi kami na pang-party talaga at naglalakad lang kami. Mabuti na lang at hindi ganoon ka-huggard ang itsura namin. Sinuot ko 'yung binigay sa akin ni Kyline.
Hindi ko kinalimutan 'yung regalo ko kay Kyline dahil nakakahiya naman dahil late na kami wala pa kaming regalo.
Nu'ng nasa labas na kami ay kailangan pang mag-sign in. At kung hindi imbitado ay bawal pumasok. Wala pa naman kaming invitation card.
"Sure po ba kayong invited kayo? Wala naman kayong invitation cards," sabi nu'ng babae sa amin.
"Yes, invited kami. Kaka-uwi lang namin galing sa France. Sa France rin kasi kami inimbitahan ni Kyline," sagot ko at nagkatinginan 'yung nagbabantay.
"Ayaw niyo bang maniwala? Mag-e-effort ba kami ng ganito kung hindi kami invited? Duh, sayang sa oras!"
Hinawakan ko ang kamay ni Yuri dahil may pagka-Faye pa naman siya.
"Pwede niyo kaming picture-an para makasigurado kayo," suhestiyon ko dahil wala naman kaming ginagawang masama.
Ganoon na lang ang ginawa nu'ng babae at saka na kami pinapasok. Ang daming tao. 'Yun ang unang bumungad sa amin. Sobrang daming ilaw. Ang hirap hanapin kung nasaan si Kyline.
"G-Gwen?"
Napatingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya kilala pero namumukahan ko siya.
"Oh my gosh! I can't believe it! Nandito ka na sa Pinas? You're a singer in France, right? And you are Yuri!"
Nagkatinginan naman kami ni Yuri. "She looks familiar," bulong pa ng kasama ko at tumango naman ako.
Parang nakita ko na siya at hindi ko alam kung saan. Tumingin ulit kami sa babae.
"I'm your fan! Actually, naging interesado ako sa inyo dahil sa past mo." Tinuro niya pa ako. "You are a ex-member of V Diamonds, 'di ba? I'm Aria!"
Napabitaw ako sa pagkahawak ko kay Yuri. Aria... Siya ba 'yung rumor na dine-date ni Khalil? Napalunok ako at tumingin sa kabuuan niya. Simple lang siya.
"Aria? The rumor girlfriend of Khalil?" Pasmado yata itong kasama ko at walang filter ang bibig.
Natawa naman si Aria. "Alam niyo pala 'yun? But yeah, I know Khalil. Pwede bang makipag-picture sa inyo?"
Tumango na lang kami at ngumiti. Pagkatapos nu'n ay mas nakaramdam ako ng akwardness. "Sige, I have to go!"
Umalis na siya at nagkatinginan naman kami ni Yuri. Napailing-iling pa siya. "What a small world. That means, nandito rin si Khalil? Because she's here or in-invite siya ni Kyline?"
Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko ay nandito sila Khalil. Siguradong inimbitahan 'yun ni Kyline. A childhood crush, of course.
"Teka, na-c-CR ako," sabi ni Yuri at hindi naman 'agad ako naka-react.
BINABASA MO ANG
What If, We Stay?
RomanceIt's not all about love, but a friendship. [STILL UNEDITED]