Kabanata 7

63 31 0
                                    

[ CHAPTER 7 ]

WRITTEN BY: NIXS

Maaga na at hindi ko alam ang gagawin ko, masyado ata akong puyat dahil halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil sa pesteng Khalil na 'yan.

Why don't we just fall, tonight?

Ewan ko, ah pero feeling ko ang over-acting ko naman yata, nag-o-overthink kasi ako at iniisip ko kung paano ako makakaamin. Ayoko naman kasi mag-aksaya ng panahon.

Lumabas na lang ako ng kwarto, ala-sais pa lang ng umaga at tulog pa ang lahat.

Nagtimpla muna ako ng kape para pampatibay lang. Naupo muna ako sa may sofa at nagiisip-isip. Sakto naman ay tumunog ang phone ko kaya naman tinignan ko 'to.

1 Message to Alexandrei.

Ay oo nga pala, nilagyan ko na ng pangalan para naman hindi na 'ko nalilito.

From: Alexandrei

Goodmorning , wanna give you some random verse.
Talk to God about everything.There is nothing he can't handle.Go to him.
-EPHESIANS 3:12

Napangiti naman ako matapos kong basahin 'yun, na-relate ako dahil ngayon ay nahihirapan akong mag-decide about sa pesteng pag-amin ko.

To: Alexandrei

Good morning! Marami ka pa lang alam sa ganiyan.

From: Alexandrei

Taga-serve kasi ako sa simbahan dati.

Dati? So ibig sabihin hindi na ngayon? Na-curious tuloy ako!

To: Alexandrei

Dati?

Isipin niya pang chismosa ako kahit totoo naman. Hindi naman sa literal na chismosa pero nakasanayan ko kasi sa mga kaibigan ko. Lalo na at kailangan kong alamin 'yung ginagawa nila. Mahilig kasi sa away.

From: Alexandrei

Oo, mahabang kwento, eh. Nakakatamad i-type.

Natawa naman ako na medyo nadismaya. Akala ko pa naman makakasagap na 'ko ng chika. Pero tama naman siya, nakakatamad kayang mag-type ng sandamakmak na kwento.

To: Alexandrei

Okay lang, naiintindihan ko naman. Hope to see you, again!

Tsaka ko na in-off 'yung phone ko, napapikit ako at nagdasal sa isip ko, na sana paggising ko, eh malabas ko na lahat ng feelings ko.

''Puyat ba 'yan, ha?"

Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita sa kanila pero ang ingay-ingay.

"Aba malay ko nandiyan lang 'yan bigla, eh."

"Huwag niyo ng gisingin baka pagod lang."

Nang marinig ko ang tinig na 'yun ay agad kong minulat ang mata ko, nakita ko sila Charles at Aqui na nakaupo sa kabilang sofa.

Samantalang si Faye naman ay nag-aayos ng plato sa lamesa, agad tuloy akong napabangon.

"Buti naman gising ka na, bakit diyan ka natulog?" Tanong pa ni Charles, ang huling naalala ko, eh pumikit lang ako tapos ayun na.

"Ah, hindi kasi ako makatulog sa kwarto, eh'" sabi ko na lang, eh ang totoo niyan, eh napadpad lang ako dito dahil sa kakaisip sa pag-amin na 'yan.

Nakakabaliw pala, hays!

"Seryoso, diyan ka talaga napadpad?" sabat naman ni Faye, agad ko namang natanaw si Khalil, siya pala ang nag-luto.

Tumingin ako sa wall clock at mag-a-alas-dose na ng tanghali.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon