Kabanata 8

58 30 0
                                    

[ CHAPTER 8 ]

WRITTEN BY: NIXS

Halos ata maprito kami sa loob ng bahay dahil sa galit ni Faye. Hindi ko alam sa kaniya, mood swing. Bigla-biglang nagagalit pagkauwi.

"Galit ka ba diyan, Melody Faye?!"

Hinagis ni Faye 'yung bag niya sa ulo ni Charles. Na-head shot tuloy siya.

"Baliw ka ba, ha?! Nagtatanong lang!"

Tumayo si Charles at lumapit kay Faye. Ginulo niya 'yung buhok ni Faye. Yari ka tuloy! Muntik ng masampal ni Faye si Charles, buti na lang pumagitna si Aqui sa kanila.

"Hoy, tumigil na kayo! Panibagong gera na naman, eh," awat ni Aqui.

Nako, laging ganito 'yang dalawang 'yan!

"'Wag kang mag-papakita sa 'kin at naiinis ako sa 'yo!"

Wala namang nagawa si Charles at lumayo kay Faye.

"Posible ba 'yon, ha? Nasa iisang bahay lang tayo, tanga!"

May point si Charles pero uminit agad ang ulo ni Faye at muntik ng sapakin si Charles. Pumasok na lang si Faye sa kwarto at napailing ako.

Ano bang kinagagalit noon? Dahil ba nabitin 'yung kwentuhan namin kay Alexandrei?

"Ano bang nangyari sa babaeng 'yun at galit na galit sa 'kin? Eh, tinatanong ko lang naman kung nasaan na kayo!" Pagrereklamo pa ni Charles, maski ako hindi ko rin alam.

"Topak lang 'yun, hayaan mo na," sabi na lang ni Aqui.

"O baka naman nagpapasuyo sa 'yo," pagbibiro pa ni Khalil.

Natawa naman kaming lahat maliban kay Charles.

"Masaya ka na doon, niyan? Pakyu! Porke, gusto ka rin ni Gwen? Sana pala 'di mo na lang crinushback 'tong si Khalil, Gwen!"

Nahiya ako bigla, ayoko kasing masyadong ino-open up 'yung ganitong usapan.

"So, ano gusto mong palabasin? Na gustuhin ka rin ni Faye?" Natatawa pa ring sabi ni Khalil.

Halatang ine-enjoy 'yung pang-aasar, eh!

"Dana, 'tol, manahimik ka, hindi nga ako magustuhan nu'n, eh!"

Tumayo muna ako at lumabas. Gusto ko munang magpahangin. Nakita ko naman sumunod sa 'kin si Khalil, hinayaan ko na lang.

Madilim na ang langit at lumilitaw na rin ang mga bituwin.

"Gwen, may itatanong ako." Napalingon ako kay Khalil.

Kumunot naman ang noo ko at hinintay lang siyang mag-tanong.

"Pipiliin mo pa rin ba 'tong banda kung saka-sakali?"

"Pinagiisipan ko din 'yan. Naglalabanan 'yung gusto ko sa pangarap ko," saad ko at napatingin siya sa langit.

"Bakit hindi mo piliin 'yung pangarap mo?"

"Pakiramdam ko kasi may malaking bagay na mawawala sa 'kin. Eh, ikaw ba? Mag-aabogado ka pa rin ba o dito na lang?"

Hindi siya kaagad umimik. Feeling ko, ang bigat nang pinaguusapan namin ngayon.

"Hindi ko alam." Tumingin siya sa akin. "May nararamdaman kasi akong hindi ako sanay kapag iniwan ko 'tong banda. Feeling ko ang layo layo ko sa inyo."

Sabagay, totoo 'yung sinabi niya. Once na pinili namin 'yung pangarap namin, mawawala na 'to. Wala na kaming oras para dito.

"Bakit hindi mo subukan? Alam kong pangarap mong maging abogado. Noong una pa lang, lagi mong sinasabi na 'yun ang gusto mo. Ano na lang mangyayari doon?"

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon