Special Chapter

67 1 0
                                    

"HOY! GAGO KA BA?"

Palabas na sana ako ng gate ng bigla 'kong nahagip ang dalawa babaeng nakikipag-away sa kapwa kong lalaki. Hindi naman ako ganoon kalayo pero nakikita kong masyadong siga 'yung babaeng nag-mura.

"Ang angas mo, ah!" sabi pa nu'ng isang lalaki at kinuwelyuhan 'yung babaeng nag-mura. 'Yung isa namang babae ay pilit silang inaawat at napailing na lang ako at lumapit sa kanila.

"Tigilan niyo na 'yan," sabi ko at natawa pa 'yung dalawang lalaki.

"Sino ka naman? Boyfriend ka nitong sigang babaeng 'to?" Maangas niyang tanong sa akin at umiling naman ako.

"Hindi ako mahilig sa siga," sagot ko at sinapok naman ako nu'ng babaeng siga.

"Gago ka, ah!" Napairap na lang ako at hinawakan sa polo sa likod 'yung lalaki at nilayo sa dalawang babae.

"Kung makikipag-away kayo, sa kapwa lalaki niyo. Walang laban 'tong mga 'to," sabi ko at tinaasan sila ng kilay at susuntukin pa sana ako ng isa pero hinila na siya ng kasama niya at umalis na sila.

Tumingin ako sa dalawang babae. Sila siguro 'yung uri ng mag-kaibigan na ang isa ay war freak at 'yung isa ay inosente.

"Salamat," sabi nu'ng isang tahimik na babae at ngumiti lang ako nang tipid.

"Huwag mo akong tinatawag-tawag na siga, ah? Faye nga pala," sabi niya na parang walang nangyari.

Inalok niya pa ang kamay niya at tinignan ko naman 'yon. Hindi ako kumportable sa mga babae. Kaya hindi ko alam kung tatanggapin ko na 'yun o hinde.

"Malinis 'yan 'no, duh! Kung ayaw mo e 'di 'wag!" Masungit na sabi nu'ng sigang babae at siniko naman siya nu'ng kasama niya.

"Pagpasensyahan mo na siya. Salamat ulit, mauna na kami." Yumuko pa siya at hinila na 'yung kaibigan niya.

Nu'ng mawala na sila sa paningin ko ay biglang may humatak sa kamay ko.

"Tara na!"

Napairap ako at hinayaan na lang siya. Hindi ko naman siya mapipigil.

"Kyline, pwede ba lumayo layo ka ng konti, nakakairita," sabi ko at natawa naman siya.

"Kinikilig ka lang niyan, eh! Just admitt na crush mo rin ako!"

Tinignan ko siya nang masama kaya napa-peace sign na lang siya. Kyline was very a talkative girl. Oo, maganda siya and almost of our classmates crush siya. At hindi ko alam kung bakit hindi na lang 'yun ang gustuhin niya, tutal gusto rin naman siya. Kamusta naman ako na hindi siya gusto.

Ayoko lang siyang gustuhin dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya at ayoko sa lahat ang nahuhulog sa kaibigan, masakit kasi.

Kinabukasan, meron kaming quiz kaya maaga akong pumasok. As usual, agad na lapit si Kyline sa akin. Sabay kaming nag-review. Hindi ko nga alam kung paano nagiging dean's list 'to, eh parang hindi nmaan seryoso sa pag-aaral.

"Just in case na bumagsak ako, gusto ko sa 'yo," sabi niya pa habang nagbabasa kami at ngumiwi lang ako at natawa naman siya.

"Just kidding, I know you're sileny romantically reacting!"

Wow, ang feeling talaga. Medyo mahirap ang quiz pero okay lang. Mabilis akong lumabas para hindi ako abutan ni Kyline. Bigla na lang akong may nakabangga.

"Sorry," sabi niya at doon ko lang napagtanto kung sino ang nakabangga ko.

'Yung inosenteng babae.

"Ahh, ikaw 'yung kahapon 'di ba? Sorry, bye! Kailangan ko nang umalis!" Mabilis siyang tumakbo at dahil sa curiosity ko ay sinundan ko siya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na inaawat niya na naman ang kaibigan niyang sigaw na may kaaway. Sakit sa ulo naman pala!

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon