Kabanata 25

48 16 0
                                    

[ CHAPTER 25 ]

WRITTEN BY: NIXS

Maaga akong nagising dahil alam kong nandito si Alexandrei kaya 'agad akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko si Alexandrei na nasa kusina habang nagluluto.

"Gising ka na pala, ako na ang nag-luto para wala ka nang iniisip," sabi niya habang nakatalikod sa akin.

"Thank you."

Dumaretso na ako sa banyo para mag-hilamos. Maliligo na lang ako pagkatapos kumain. Nang pagkalabas ko ay naabutan ko si Alexandrei na nag-aahin na kaya tinulungan ko na lang siya.

Wala kaming kibuan. Sana ay huwag niya nang maalala 'yung kagabi dahil sobrang nakakahiya 'yung ginawa ko. Sa sobrang interesado kong malaman kung sino 'yung girlfriend niya, 'yun tuloy napala.

Kumain kami nang tahimik. Pero mukhang napapansin niya yata 'yung ilangan kaya binasag niya na 'yun.

"Pagkatapos pala kitang ihatid, hindi ako dadaretso dito. May kailangan akong puntahan," sabi niya at tumango naman ako.

"Kahit 'wag ka nang mag-paalam, 'di ko naman hawak oras mo 'no!"

"Hindi ko rin kayo masusundo ni Yuri. Pero gagawin ko naman 'yung best ko, baka umabot pa," dugtong niya pa at umiling naman ako.

"Kahit hindi na, kaya naman namin, e. Saan ka pala pupunta? Gagabihin ka ba? Para alam ko, kasi para alam ko kung ilo-lock ko 'yung pinto," saad ko at napaisip naman siya.

"Siguro? Tatawag ako sa 'yo."

Nag-suot ako ng crop top at pinatungan ko na lang 'yun ng checkered na jacket at nag-high waisted jeans. May gig kami ngayon ni Yuri. Siguradong sobrang ayos na naman nu'n.

Kumaway na ako kay Alexandrei pagkababa at saka na pumasok sa loob. Nakita ko si Yuri na kumakanta sa practice studio habang nagma-make up. Hindi kasi siya mahilig magpa-make up sa iba dahil hindi raw siya kumportable kaya nga siya na lang din ang taga-ayos ko.

"Hi! Ganda ba?" Tumayo pa siya at umikot-ikot para ipakita ang suot niyang tank top at skirt. Mabuti na lang at may jacket na nakatali sa may bewang niya.

"Oo, lahat naman yata bagay mo, e," sagot ko at ngumiti naman siya at hinila na ako pa-upo para ayusan.

"Huwag mo naman pinapalaki ulo ko! Bahala ka, maniniwala talaga ako!" Kunwaring arte niya pa at ngumisi na lang ako.

Maya-maya pa ay pumasok sa studio si Madame Acadia. Tumayo kami para bumati.

"Good morning!" Bati namin.

"Bonjour!" Bati niya pabalik.

"So, your schedule for today, this morning, eleven o'clock, you will be having a short interview. The interviewers will come at ten-thirty. So, get change. Your gig was moved in the afternoon, four o'clock."

Nagkatinginan naman kami ni Yuri. Excited kasi siya palagi kapag may mga interview.

"Is the interview are hard, I mean intense?" Tanong pa ni Yuri at natawa naman si Madame Acadia.

"A very light, I think? Just play safe," sagot ni Madame at tumango naman kami. Dumaretso kami sa may dress room at nag-palit ng damit.

'Yung personal assistant namin 'yung namili nang isusuot namin. Naka-short sleeve mini a-line dress ako habang si Yuri ay nag-tie mini dress.

Nag-retouch kaming dalawa ni Yuri ng make-up habang inaayos nu'ng P.A namin 'yung damit namin.

"Paano mamaya? Hindi ka ba kinakabahan? Baka tanungin ka about personal topic," sabi ni Yuri at ngumiti naman ako.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon