[ CHAPTER 13 ]
WRITTEN BY: NIXS
Nag-order na lang kami ng maka-kain dahil tinamad na kaming mag-luto. Ako na nga sana pero sabi nila um-order na lang daw.
Gastos ang nasa utak!
Nu'ng dumating na at hinanda na namin 'yun ni Faye sa kusina. Habang nagsa-sangkap ako ng juice ay lumapit si Faye sa akin.
"Nakita kita nu'ng minsan, may kasama kang tatlong lalaki. At sa pagkakaalam ko, si Alexandrei' yung isa," sabi niya na ikinagulat ko.
Malayo ang tinitirahan ni Faye sa village kaya bakit niya kami nakita? Hindi naman sa nagtatago ako pero baka kasi i-chika niya sa harap ng grupo at maging akward na naman. Walang hiya pa naman 'to.
"Bakit ka nandoon?"
"Lumibot kami ni Charles. Bakit mo sila kasama? Parang namumukahan ko rin 'yung isa doon," giit niya at napahinga na lang ako nang malalim.
"Si KC," sagot ko at nanlaki ang mata niya.
"'Yung epal na lalaki?"
Hindi ako sumagot dahil hindi naman sa epal 'yun. Sadyang niligtas niya lang ako.
"Bakit, paano?!"
Parang magiging mahabang eksplanasyon 'to, ah.
"Kapatid siya nu'ng kaibigan ni Alexandrei, si Mico. Hindi ko rin naman in-expect, pero sana itikom mo 'yang bibig mo," paalala ko at kumuha ng baso.
Baka kasi hindi kami matapos kung puro dada lang gagawin namin. Napatingin ako sa kaniya na tumatango tango pa.
"Hoy, baka naman niloloko mo si Khalil!"
Napakunot naman ang noo ko. Ako? Kailan pa ako nanloko?!
"Alam ni Khalil 'yun. Muntik na nga silang mag-away ni Alexandrei, eh," sabi ko at napatakip pa siya sa bibig niya.
Napailing na lang ako.
"Hay nako, haba ng hair! Ano shampoo mo?"
Natawa na lang ako at bumalik na kami sa sala. Nanood kami ng movie sa netflix habang kumakain. Nakatulog na nga yata sa braso ko itong si Aqui.
Baka napagod sa byahe. Hinayaan ko na lang siya at inayos ang pwesto at pinatong ang ulo niya sa may hita ko.
"Pagod na ang baby, pahigain mo na 'yan sa kwarto niyo, nang makapagpahinga na kayo," giit ni Charles habang nililigpit 'yung kalat.
Ginising ko si Aqui at ngumuso pa siya at kinusot ang mata saka tumayo. Kumapit pa sa braso ko itong si Aqui habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Ituloy mo na lang ang tulog mo sa kwarto."
Kinabukasan, maaga akong nagising kesa sa kanila na natutulog pa. Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinignan ang oras. Alas-syete pa lang ng umaga.
Nag-ipit ako ng buhok at saka nag-hilamos at pumunta sa kusina para mag-luto ng almusal.
Pero mali yata 'yung nangyayari. May naamoy na akong nag-luluto kaya nag-madali ako. Nakita ko si Khalil na naka-short at naka-sando habang nag-luluto.
BINABASA MO ANG
What If, We Stay?
RomanceIt's not all about love, but a friendship. [STILL UNEDITED]