Kabanata 16

80 27 2
                                    

[ CHAPTER 16 ]

WRITTEN BY: NIXS


"Marami ka pang dapat malaman, lalo na sa lalaking 'yan."

Ano? Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Papa. Anong dapat kong malaman? Higit na mas kilala ko naman si Khalil kesa sa kaniya.

Alam kong nag-aalala lang si Papa na baka siguro hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon kaya akala siguro niya ay hindi ko pa masyadong kilala si Khalil para maging kami.

"P-po?"

Hindi na naka-sagot si Papa dahil biglang lumabas si Aqui at ngumiti ito sa amin.

"Pumasok na po kayo, malamig ho rito," sabi ni Aqui at tumingin ako kay Papa at hindi na siya nag-abalang sumagot at ngumiti at sumunod na kay Aqui.

Akala ko ay tatanggi siya pero mukhang balak niyang mag-tagal. Para ano, para obserbahan si Khalil?

Sakto namang nasa loob kami ay dumating na ang order ni Charles na pagkain kaya hinanda na nila 'yon sa dining at kumain na kami.

"Susunduin niyo na po ba talaga si Gwen ngayon?" Tanong pa ni Aqui at ngumiti naman si Papa.

"Oo, gusto ko kasi siyang makasama. Tulad nang sabi ko noong nakaraan, hindi maganda ang pakikitungo ko sa kaniya noong umuwi siya," sagot ni Papa.

"Hindi po siya makakasama sa inyo.... sa ngayon."

Sa wakas, nag-salita rin si Khalil. Pero hindi natanggal ang ngiti ni Papa sa labi niya pero iba ang tingin niya kay Khalil. Hindi naman napapansin nila Aqui 'yon dahil wala silang rason para isipin 'yon.

"Khalil," sambit ni Papa sa pangalan niya. "Naalala kita, ikaw ang pinaka-close ng anak ko. Dinadala ka niya sa bahay kasama ang mga kaibigan mo," sabi pa ni Papa.

Tinutukoy niya ay sila Aqui. Madalas ko kasi silang dinadala sa bahay dati noong nag-aaral pa kami.

"Ano nga ulit ang sabi mo? Hindi siya makakasama sa akin? Bakit naman?" Tanong pa ni Papa.

Napatingin tuloy ako kay Khalil na nasa harap ko ngayon. Ang katabi ko kasi ay si Papa. Samantalang nasa tabi ni Khalil si Charles.

"May mga bagay po kasi kaming dapat asikasuhin. Kung tatanungin niyo po kung ano 'yun, mag-ce-celebrate pa po kami para sa pagka-first runner up namin. May mga gig pa po kami na dapat i-attend lalo na ngayon ay dumarami ang fans namin."

Bakit ako 'yung kinakabahan? Namamawis na 'yung mga kamay ko kaya uminom muna ako ng tubig.

"T-tama po si Khalil, Tito. Hindi naman po sa inaano ka namin pero po hindi po kasi kami makakapag-perform ng may kulang na isa," sabat ni Charles kaya huminga nang malalim si Papa at kinuha ang tissue sa tabi niya ag pinunasan ang bibig.

"Naiintindihan ko ang rason niyo. Pero kailangan ko talagang hiramin ang anak ko. Lalo na't marami kaming dapat pag-usapan." Medyo dumiin ang tono ni Papa doon at alam ko naman ang punto niya.

Para tuloy akong naging object na pinagpapasa-pasahan nila. Tapos sasabihin pa ni Papa, hihiramin.

"Okay na ho siguro 'yung tatlong araw?" saad ko kaya napatingin sila sa akin.

Nagtataka pa sila kung bakit sasama ako. Hindi naman sa pinagdadamot nila ako pero tama nga naman kasi 'yung rason nila.

"Okay na 'yon," sagot ni Papa.

"Sasama na ho ako sa inyo ngayon pero kakausapin ko muna ang mga kaibigan ko."

Pagkatapos naming kumain ay naiwan sa sala si Papa kasama si Charles at Khalil. Nasa kwarto kaming tatlo nila Faye at Aqui. Ito namang si Aqui ay pa-iyak na at hindi ko naman alam ang dahilan.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon