Chapter 3

75 37 4
                                    

03

Nandito kami ngayon sa isang kainan. Dito na kasi kami maghahapunan. Madilim na rin ang kalangitan, sabay ang pag-kislap ng nga bituin. Pero heto pa rin kami, masayang nagk-kwentuhan.

Madami pa rin naman kasi ang mga tao, parang pasko lang. May mga nag titinda ng bibingka, tibok-tibok o ano pang mga kakanin.

Bigla namang dumating 'yung nagse-serve ng pagkain. Isang lalaking moreno, payat, teka---

"Ito na po yung order niyo."

Siya nga! Siya 'yung nakabangga ko kanina!

Akalain mo nga naman. Kahit gaano kalaki ang mundo, parang umiikot pa rin ito sa maliit na espasyo.

"Ay, kuya, dito ka pala nagta-trabaho? 'Di ba ikaw 'yung kaninang nakabangga ng best friend namin?" Pagtatanong pa nitong si Faye. Feeling close talaga!

Hindi naman niya personal na kilala, nag-tanong pa ng ganoon!

"A-ah ako nga po, pasensya na po ulit." At saka pa siya yumuko.

"Pwede ka nang umalis, wala na kaming kailangan," malamig na tugon ni Khalil kaya naman tumango 'yung lalaki at umalis.

"Ang rude mo naman kay kuyang pogi, 'di tuloy natin nalaman pangalan," sabi pa nitong si Aqui.

"Oo nga, e, kainis!" sabat naman ni Faye.

Napailing-iling ako. Puro kamuritan!

"Sige lumandi pa kayo," sagot naman ni Charles.

Hindi na lang sila umimik. Pagkatapos nang kainan namin ay umalis na kami para maka-uwi. Nauna silang naglakad kaysa sa 'kin.

"Miss, 'yung cellphone niyo po!"

Napatingin ako sa likuran ko, 'yung lalaki ulit. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Salamat---" Nahinto naman ako dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya.

"Alexandrei."

At saka naman kami nagkamayan.

"Thank you, Alexandrei."

Naglakad na ulit ako palayo sa kaniya.

Nang makauwi na kami ay agad na kaming nagpahinga dahil nakakapagod rin ang gumala. Nakahiga ako sa kama na parang pagod na pagod, habang si Faye naman ay nagsusuklay.

"Hoy, 'tol, alam mo feeling ko ang bait ni kuyang biker!"

Kuyang biker? Napailing na lang ako.

"Ha?"

"Si kuyang biker, 'yung waiter kanina na nakabangga sa 'yo," saad niya pa at tumango-tango naman ako.

"Ewan ko," sagot ko.

"Anong ewan mo?! Wala ka 'man lang first impression, ganoon? Ano ba 'yan, Gwen! Boring naman!" Reklamo niya pa kaya napakunot ang noo ko.

"Hindi ko nga kasi alam kung mabait siya." Saka ko naaalal 'yung pag-balik niya ng cellphone ko sa akin. "Siguro? Hindi ko alam," dagdag ko pa.

'Tsaka naman siya tumakbo palapit sa 'kin kaya naman umupo na lang ako.

"Weh? Paano? Bakit mo naman naisip?"

Kasi may isip ako 'di ba? At parang tanga naman 'tong babaitang 'to. Ako nga hindi ko siya tinanong kung bakit niya naisip 'yun, e.

"Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan? Maamo kasi 'yung mukha niya . . . Pero hindi lahat ng may maamong mukha, mabait. Pero binalik niya rin kasi 'yung phone ko kanina. Naiwan ko nu'ng paalis na tayo."

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon