[ CHAPTER 17 ]
WRITTEN BY: NIXS
tw: violence
"Balak na namin kayo ikasal sa isa't-isa."
Para bang pumintig ang tenga ko sa narinig ko. Ikasal? Tumingin ako nang naguguluhan sa kanila. Tumingin rin ako kay Alexandrei na nagtatanong gamit ang mata at napaiwas lang siya nang tingin.
"You're single, right?" Tanong pa ni Mr. Ferraris sa akin at hindi pa naman ako nakaka-sagot ay inunahan na ako ni Papa.
"Yes, she is."
Nanlaki naman ang mata ko. Sinasadya ba ni Papa 'to? Alam kong kahit hindi ko pa inamin, alam na ni Papa. Kung paano niya kami pakialaman.
"Oh, anyway, we need to go. Tumawag na ang asawa ko, I'll will tell her this once I got home."
"Ingat kayo," sabi pa ni Papa at nag-kamayan sila ni Mr. Ferraris, habang ako, napako pa rin sa kinatatayuan ko.
"Alexandrei, tara na," sabi pa ng Papa niya at umiling naman si Alexandrei.
"Mag-uusap pa ho kami ni Gwen," sagot niya at pilit na ngumiti.
Pagka-alis ng Papa niya ay napapikit ako at huminga nang malalim at saka tumingin kay Papa. Napailing na lang ako at tumakbo palabas.
Gusto ko sana silang kwestyunin pero hindi ko magawa, lalo na't wala naman akong karapatan. Naramdaman kong sinundan ako ni Alexandrei at napatingin ako sa kaniya.
"Alam mo 'to? Alam mo ba 'yung pinaplano nila?" Nangangaligid na luha kong sabi at hindi siya nakasagot.
"Alam mo ba?!" Sigaw ko at nakatingin lang siya sa akin.
Mukha siyang pagod. Hindi ko alam kung bakit, pero 'yun yung nakikita ko.
"Bakit hindi ka maka-sagot? Sagutin mo ako, please," iyak na sabi ko at napaupo at napahawak sa sapatos niya.
Umupo siya para mayakap ako at napaiyak na lang ako.
"Sorry, sorry kung hindi ko sinabi," sabi niya pa na parang bata habang nakayakap sa akin at saka siya kumalas.
"B-bakit, bakit nila ginagawa 'to? Paano na si Khalil? Paano ko sasabihin sa kaniya 'to?"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin sa mga mata ko.
"Aayusin natin 'to. Sinabi mo 'di ba na kapag may humadlang sa inyo, ipaglalaban mo. Ngayon ka lumaban," sabi niya at tumayo at tinayo ako.
"Hindi ko sinabi sa 'yo kasi alam kong magagalit ka. Baka magalit ka sa akin. Sinubukan ko naman silang pigilan pero sadyang anak lang talaga ako at hindi ko sila mapipigilian," sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
"Hindi ko maintindihan kung anong nakita nilang rason para i-set up tayo sa ganito," sabi ko pa at ngumiti siya nang matipid.
"Para na naman sa business nila. Ginagawa nila tayong bagay na pinaglalaruan na akala nila ay mako-kontrol nila ng gan'on gan'on lang," sagot niya pa at napailing na lang ako.
"Sana maayos natin 'to at matigil 'yung balak nila. Ayoko sanang malaman ni Khalil ng ganito pa rin, magulo."
Tumingin ako sa kaniya at nakatingin lang siya ng daretso niya. Side view lang niya ang nakikita ko.
"Oo naman!" Ngumiti pa siya at tumingin sa akin.
"Kaya ikaw, 'wag ka nang umiyak!" Sabay punas niya sa pisngi kong basa at kinurot 'yon.
BINABASA MO ANG
What If, We Stay?
RomanceIt's not all about love, but a friendship. [STILL UNEDITED]