Kabanata 11

60 30 0
                                    

[ CHAPTER 11 ]

WRITTEN BY: NIXS

Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw. Agad akong tumayo at ewan ko ba at medyo ginaganahan ako ngayon.

Nag-jogging muna ako para exercise na rin dahil hindi ko na magagawa 'to kapag bumalik na kami sa apartment. May mga kaniya-kaniya kasi kaming ginagawa.

Kasalukuyan akong nag-iikot dito sa village namin at napapansin ko rin na parang may sumusunod sa 'kin, pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Ayokong ma-stress. Lumingon ako sa likuran at wala naman akong nakita na kahit sino.

Tsaka ulit ako lumingon sa harapan ko at laking gulat ko dahil may nakatutok na baril sa 'kin.

"Hoy!" Napatingin kaming parehas sa isang lalaki na sumigaw.

Kasing-tingkad ko lang siya at moreno siya. Naka-kupya pa siya at tinuro 'yung lalaking kaharap ko.

"Ano'ng ginagawa mo sa kaniya?" sigaw pa niya at gusto ko na sanang tumakbo pero napako lang ako sa kinatatayuan ko.

"Subukan mong lumapit, papatayin ko 'to!" banta pa nu'ng naka-black ng lalaki.

Ang lalim ng boses niya.

Para bang kakapusin ako nang hininga, hindi ko na kaya. Natulala ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Bakit, ano bang kasalanan sa 'yo ng babaeng 'yan?!"

Napatingin ako sa lalaki. Oo nga, tama siya. Ano bang kasalanan ko sa lalaking 'to?!

Nakita ko na lang na may bumabang isang... babae? Mahaba kasi ang buhok niya pero balot ang katawan niya at pati ang mukha.

"Ang tagal naman niyan!"

"Epal 'tong lalaking 'to, eh!" sabay turo nu'ng lalaking tumutok sa akin ng baril.

"Bakit, ako?! Bakit mo kasi tinututukan ng baril 'yang babae? Alam mo bang pwede kitang kasuhan?"

Biglang kinuha nu'ng lalaki 'yung cellphone niya at tatawag yata ng pulis pero kaagad 'yung inagaw nu'ng babae.

"Gago, 'wag kang panira!"

Nagulat ako nu'ng pinukpok nu'ng babae 'yung lalaki kaya natumba siya pero sinalo siya nu'ng babae.

"Sama na natin 'to," sabi nu'ng babae at sinakay na sa sasakyan 'yung lalaki.

Bigla na lang akong pinukpok nu'ng naka-black na lalaki.

Bago tuluyang mandilim ang paningin ko, eh, narinig ko pa ang huling linya niya.

"Sorry, Gwen.."

At unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Nararamdaman ko ang sakit ng ulo ko, wala akong makita. Gusto ko sanang isipin na panaginip lang ang lahat pero hindi.

Pero bakit wala akong makita? Tanga, naka-blind fold pala ako, at nakatali rin ang kamay ko. Nararamdaman kong nasa kotse kami, dahil 'yung amoy palang.

"Sino kayo?! Anong pakay niyo sa 'kin, ha?!" Pagtatapang-tapangan ko pero nakatanggap lang ako ng hampas sa balikat ko. Gaga 'to, ha, nagtatanong lang ako, nanghahampas.

Naalala ko 'yung lalaki kanina. Kamusta na kaya siya?

"Tumahimik ka at pakinggan mo ang sasabihin namin!" Sabi pa ng isang lalake. Ang tigas ng boses niya, parang nangangain.

Kaya naman tumahimik na lang ako at baka ano pa ang mangyari sa 'kin.

Ano na bang nangyari sa kasama ko? Hindi ko siya naririnig, eh!

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon