Kabanata 32

39 10 0
                                    

[ CHAPTER 32 ]

WRITTEN BY: NIXS


Limang araw na kami rito sa bahay nila Mama at bukas naming balak umuwi. May mga kailangan pa kasi kaming gawin. Sila Faye ay may a-attend-an na gig at kami ni Yuri ay susuporta sa kanila. Balita ko nga ay may pa-interview pa 'yon pagkatapos, e.

Inaayos lang namin 'yung mga gamit namin dahil para wala na kaming isipin bukas. Nasa kwarto kaming mga babae habang 'yung dalawang lalaki ay nasa labas at sila naman ang tumutulong kay Mama.

"In fairness, medyo nawawala na 'yung ilangan sa inyo ni Khalil," sabi ni Faye kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Okay nga 'yon, e. Sana mag-tuloy-tuloy, 'di ba?" Pag-sang-ayon pa ni Aqui at tumango naman ako.

Lumabas muna ako at nadatnan ko si Charles na inaayos ang mga plato sa lamesa. Napakunot ang noo ko dahil wala si Khalil.

"Si Khalil?" tanong ko at tinulungan na siya.

"Sa labas, may tumawag sa kaniya, e." Ngumuso pa siya sa direksyon at napatingin naman ako sa labas. Nandoon nga siya.

"Gwen, anak, pakisuyo nga 'to sa labas." Kinuha ko 'yung basura at nag-insist pa si Charles pero ang sabi ko ay ako na lang.

Pinalupot ko 'yung plastik at saka na lumabas. Habang nilalagay ko sa basurahan ay hindi ko sinasadyang marinig 'yung mga sinasabi ni Khalil sa kausap niya.

"Anong nangyari?. . . Sige, susubukan ko. . . Uuwi pa lang kasi kami bukas, e. . . Mag-kita na lang tayo. . ."

Pinagpagan ko 'yung kamay ko at pa-pasok na sana pero napatingin ako kay Khalil na binulsa na ang cellphone niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Sabay na tayo."

Tumango na lang ako at pumasok na kami sa loob. Nasa may hapag-kainan na rin pala sila Faye kaya umupo na si Khalil at nag-hugas muna ako ng kamay at saka na rin umupo.

Pagkatapos naming kumain ay kaming dalawa ni Aqui ang nag-hugas ng plato para makapag-pahinga na si Mama. Si Faye at Yuri ay nasa kwarto at naghahanda na naman para sa gimik na naisip nila.

"Nami-miss ko na si bebi ko," kunwaring iyak niya pa at siniko ko naman siya. Hindi ko ma-imagine na gumaganito si Aqui, dahil parang dati ay siya pa ang fifth wheel sa lahat. Ngayon, ako na.

"Kamusta na pala kayo? Okay lang ba sa kaniya 'yung medyo hindi kayo nagkikita?" tanong ko dahil ang huling alala ko ay nu'ng birthday pa ni Kyline sila nag-kita.

"Okay lang sa kaniya! Epal lang siya pero sobrang understanding niya. Epal talaga siya sa mga taong hindi niya close pero sa mga taong close niya na—maliban sa kuya niya—goods siya."

Kabisadong-kabisado niya na talaga si KC. "Gaano na kayo katagal?"

"Two years! 'Di ko nga maisip na mai-inlove ako sa kaniya kasi iritang-irita talaga ako sa kaniya. Noong umalis ka kasi, wala talaga akong kinausap, unless kailangan. Tapos iyak ako nang iyak hanggang sa binato niya ako ng mga salitang nakakasakit pero may sense."

"Gusto ko pang makilala si KC, para alam ko kung sasaktan ka ba niya o hindi. Parang dati kasi, baby ka lang namin," nagtatampong sabi ko at sakto naman ay natapos na kami at nag-punas na kami ng kamay.

"Gusto mo ba kapag uwi natin, set-up ako ng dinner or lunch sa ating tatlo?"

Napaisip naman ako. Wala naman akong sigurong gagawin kaya tumango ako. "Oo, inform mo siya, baka mabigla."

Pumasok na kami sa kwarto at nagulat ako dahil may mga alak na nakalagay sa may maliit na lamesa. Tinaasan ko pa sila ng kilay.

"Nag-paalam ako kay Tita, ah! Sabi ko iinom tayo dahil last night na rin naman natin!" Nakataas pang kamay na sabi niya at napailing naman ako.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon