Kabanata 41

33 7 0
                                    

[ CHAPTER 41 ]

WRITTEN BY: NIXS

"Bibili pa tayo ng pang-fruit salad, 'di ba?"

Tumango ako habang umiinom ng buko juice. Nandito kami ngayon sa harap ng simbahan kung saan may nagtitinda ng mga kakanin.

Magpa-pasko na at malapit na rin umuwi si Yuri. Ang alam ko ay sa Sabado ng Misa de Gallo siya uuwi. Hinihintay na lang talaga namin siya at matutuloy na lahat ng plano.

'Yung bahay namin ay malapit ng matapos na akala ko ay matagal-tagal pa. Siguradong pagkarating ni Yuri dito, sobrang matutuwa 'yon.

"Teka lang naman, hindi pa ako tapos kumain, oh!" angal agad ni Charles habang lumalamon ng bibingka. Akala mo naman ay walang katapusan ang pag-kain niya. Sobrang takaw talaga niya! Parang walang makakapigil sa kaniya kapag dating sa pagkain.

Agad naman siyang nirebatan ng magaling niyang girlfriend. "Aba, Charles! Sabi ko lang, kung bibili pa. Ang oa mo, promise!"

Napailing ako at hinayaan na lang sila. Love language na yata nila ang palaging pag-aaway.

"Kumakain, hindi kayo manahimik," reklamo pa ni Khalil kaya nag-irapan ang dalawa at napailing na lang ako. Wala na siyang magagawa, ganiyan na talaga silang dalawa.

Pagkatapos naming kumain, tulad nang napagusapan, bumili muna kami ng mga pang-fruit salad sa may bukas na 24-Hours na grocery store. Kami na lang ni Aqui ang pumasok sa loob para hindi na matagal. Kaunti lang rin naman ang bibilhin.

"May napansin ako." Rinig ko pang sabi ni Aqui habang tinitignan 'yung listahan nang bibilhin namin.

"Ano?" Tanong ko at kumuha na nang mga kailangan.

"Pansin mo ba, medyo level up na ulit si Khalil. Dati, sobrang tahimik niya... Tapos ngayon, um-okay na siya ulit. Saka pansin ko rin na medyo lumalapit siya sa 'yo pero panay pa rin ang pag-iwas mo."

Tumigil ako at tinignan siyang nagtataka. "Umiiwas... ako?" Pero ang totoo, tama siya. Iniiwasan ko nga madalas si Khalil kapag alam kong lumalapit siya.

Ewan ko, hindi pa ako kampante na ganoon. Marami pa 'kong iniisip na bagay. Magiging okay rin naman ang lahat, naniniwala ako. Ayokong mag-desisyon agad-agad at maulit ang dati.

"Oo, ah! Bakit, ayaw mo na ba sa kaniya? Halata naman na gusto niyang mabalik 'yung dating kayo. Malinaw na rin naman na wala talagang namamagitan sa kanila ni Aria. So, ano?"

"Gusto... Gusto na gusto ko siya. Pero hindi pa pwede ngayon. Saka na lang, kapag ready na ang lahat."

Pagkauwi namin, agad silang nagpahinga at ako naman ay nag-walis pa. Napagdesisyunan ni Charles na tabi-tabi na kami matulog dahil malamig rin naman daw. Sa sala kami niyan matutulog kaya nag-pajama set ako saka na nila nilabas na ang mga higaan.

"Yes, manood tayo! Gusto ko sad," sabi pa ni Faye at umirap naman si Charles. Ayan na naman po sila.

"Tsk, huwag gano'n! Tapos iiyak-iyak ka, at ano? Sisisihin mo na naman lahat ng tao sa mundo dahil sa pinanood mo?!"

Napailing naman ako. "Nako, hindi ka pa nasanay, Charles! Alam mo naman apektado 'yan sa lahat," sagot ko at napanguso na lang si Charles at saka na nila sinet 'yung panonoorin.

"Ice coffee!" sigaw ni Aqui habang dala-dala ang tray at saka na pinatong iyon sa lapag. Kumuha na kami at saka na rin nilabas 'yung binili namin kettle corn.

Tamad na kasi kaming mag-luto ng popcorn kaya bumili na lang kami. Sa kalagitnaan nang panonood namin, humihikbi na 'tong mga kasama ko.

"Ayan, ginusto mo 'yan," sermon pa ni Charles habang nakayakap si Faye sa braso niya. "Feel mo niyan biceps ko?" Bigla siyang binitawan ni Faye at hinampas. Natawa tuloy ang lahat.

What If, We Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon