Hope you could feel what I felt in writing this chapter. ☺
Enjoy Reading!
Patrick POV
Akala ko wala na mas sasaklap pa na love story kina Romeo at Juliet. Hindi ko man alam ang buong storya ng kwento nila dahil napasarap ang tulog ko nun sa Literature namin na subject, pero alam ko namatay silang dalawa.
Masakit! Dahil namatay sila, kaya lang kung iisipin pwede naman nila iyon pigilan para di iyon mangyari. Sadya lang talaga di maayos na ginising ni Romeo si Juliet kaya inakala niya patay.
Tanga lang!
Pwede pa sana sila magkasama ng matagal kung siniguro talaga ni Romeo na patay si Juliet. Hindi kagaya sa sitwasyon ngayon nila Caleb at Lia. Na kahit anong gising dito hindi na talaga minulat ang kanyang mga mata.
At nang masaksihan ko iyon... Pucha lang! Tagos hanggang spinal cord ang sakit!
Napaka klaro pa sa isipan ko ang nangyari kasabay kung gaano katindi ng mga linyahan nila.
Nasabi ko na lang, bakit kinailangan maging mapait ang tadhana sa mga taong tunay na nagmamahalan? Bitter ba to? Kaya parati na lang nagpapahirap kapag may nakita masaya na magkasama?
Ako nga kahit hindi crush ng crush ko ay hindi nagbibitter. Dahil alam ko sa gwapo kong to, malamang makakahanap din ako para sa akin.
Pero kung ganito gumalaw ang tadhana parang nakakatakot naman umibig. Hindi ko maisip kung gaano kasakit kapag makita mo unting unti nanghihina sa harapan mo ang iyong minamahal.
"Haylee!" Tawag ni Mikko nang tumakbo bigla si Haylee pagkatapos marinig ang malakas na alulong ng lobo.
Babalikan na sana ni Haylee ang pagtawid sa tulay nang maabutan siya ni Mikko. Hinawakan nito ang braso ni Haylee kaya napalingon ito sa kanya.
"Mikko, I think something happened to my them. T-that howl awhile ago, doesn't sound like a regular howl. I know it means something!" Medyo malakas ang pagkasabi ni Haylee iyon kay narinig namin.
At kahit hindi niya sasabihin sasang ayon din naman ako dun. Hindi nga iyon pangkaraniwan na alulong. Halata na may kakaibang nangyari.
Hindi ko alam kung ano, pero kampante ako na makakayanan nila iyon. Nandun ata si Insan. May lahing sparta iyon kagaya ko! Isama mo pa si Nyle na Valedictorian namin, sigurado makakaisip iyon ng paraan para hindi sila mapahamak. At di din magpapahuli sina Gabby at Kye na may lahing amazona, wala sa bokabularyo nila na sumuko no?
"Haylee, calm down. Alam ko nag aalala ka sa mga kasamahan natin. Pero hindi pwede susugod lang tayo na hindi malaman ang sitwasyon."
"But Mikko, what if we're too late. Baka sa pagchecheck natin kinailangan na nila pala ng tulong! We need to move now."
Sinubukan ni Haylee kumalas sa hawak ni Bespren sa pamamagitan ng pagtakbo. Akala niya mahihila lang niya agad ang kamay pero sadyang walang balak ang bespren ko basta basta siya pakawalan.
Ngayon ko lang nalaman may lahing octopus pala si Mikko. Kung makakapit wagas!
"Mikko, please..." Nagmamakaawa na si Haylee na hayaan siya umalis pero iling lang sinagot ni Mikko.
"Haylee, naintindihan naman kita. Pero sinasabi ko na sayo na kapag susugod ka lang dun ng walang plano isa lang magiging resulta niyan. Mapapahamak ka," ani nito "Kaya naman maniwala ka sa akin. Gumawa muna tayo ng plano bago bumalik."
Pagkatapos sabihin ni Mikko yan nakita ko na napabuntong hininga na lang si Haylee at napatango. Hindi na siya nakipagtalo pa kay Mikko.
Kaya naman pagkatapos ng pag uusap na iyon agad na kami lumapit nina Sir Sev sa kanilang dalawa. At nagsimula magplano. Hindi na natuloy ang aming pagbabalik sa La Tierra dahil mas mabuti kung sabay sabay kami makabalik dun.
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...