TPD: Chapter 1.10

926 60 15
                                    

Final Chapter for the First Mystery in Season 2. Hope you like it.

And Oo, nga pala nais ko kayo maging Friends sa FB kaya naman dont forget to add me "MNchan WP" . Tara mag usap dun ^^

This chapter is dedicated to KourtnetyGaid , hi po thank you so much for giving my story a chance po. Masaya po ako na hanggang season 2 nandito ka pa rin at sumusuporta sa story na to. 

Enjoy reading!

Gabby POV

"KYENNAH!!"

"PAREKOOY!!"

Sabay sigaw ni Nyle at Mikko ng bigla sumulpot sa likuran ni Kye si Ansel.

Masyado ito mabilis na hindi namin nakita na nakalapit na siya kay Kye at agad niya ito sinaksak sa likod.

Nanlaki ang mata ko dun at nais na lumapit kay Kye, pero hinawakan ni Matrix ang aking kamay.

"Matrix! Si K-kye, kailangan ko lapitan si-"

"Shhh! Gabriella kalma, delikado kung bigla ka lalapit kay Kye baka ikaw ang isusunod ni Ansel!"

"Pero Matrix, hindi ko pwede pabayaan si-"

"Shhh!!...Gabriella Kalma," aniya habang hinawakan ang pisngi ko saka pinaharap sa kanya "Alam ko nag aalala ka sa kanya Gab, pero di pwede magpadalos dalos tayo ng kilos dito. Delikado lapitan si Ansel, at kung lalapitan natin siya baka ikaw naman ang masasaktan! And if that happens, God knows what will I do. Baka mabaliw ako Gabriella, kung mangyari yun."

Balisang balisa na ang isip ko kaya yung mga sinasabi ni Matrix hindi ko na maiintindihan.

"Pero Matrix!" Kumawala ako sa hawak niya at napatingin pabalik sa pwesto ni Kye, na ngayon nakahandusay na sa sahig.

Gusto ko na talagang takbuhin ang pwesto niya pero hawak ni Matrix braso ko at pinipigilan niya ang braso ko makawala.

"Gabriella, wag mo ng ipagpilitan ang gusto mo. Diba natalo ka sa pustahan natin, kaya naman sundin mo ang utos ko ngayon."

Napatingin ako kay Matrix at nakita ko ang pagkaseryoso sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko kahit anong sabihin ko hindi na talaga magbabago ang desisyon niya kaya naman hindi ko na lang pinagpilitan pa, at napabuntong hininga na lang ako bilang pagsuko.

"Gago ka! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa Parekoy ko! Arghh!" Sunod sunod na pinagbabaril ni Mikko si Ansel.

Pero hindi niya ito natatamaan dahil mabilis ito sa pagkilos at pag iwas.

"Sige, pagurin mo lang ang sarili mo dahil hindi mo pa rin ako matatamaan niyan!" Sambit nito. Pagkatapos bigla may lumitaw na bolang apoy sa kanyang kamay at ibinato ito kay Mikko.

"Mikko!" Sabay namin sigaw ng makita papunta ang apoy na bola sa kanya.

Akala ko talaga matatamaan si Mikko ngunit dumating si Adriano tsaka naitulak to papalayo.

"Ack!" Sinalo ni Adriano ang apoy na bola na nagpatawa ng malakas kay Ansel

"Ohh..playing superhero I see. Kahit kailan pabida ka talaga Adriano!" Galit na sigaw ni Ansel sa kakambal

"Tigilan mo na to Anselmo. Wag mo na silang idamay! Kung galit ka sa akin, sa akin mo ibuntong hindi sa kanila.!" Aniya habang hawak ang gilid ng tiyan dahil sa tama ng apoy sa kanya

"Oh shut up! Alam mo hindi ka na dapat nakikialam dito. Ang mabuti pa dun ka na lang sa kwarto mo, at magbasa ng libro. Mas mabuti pa iyon ang gawin mo, kaysa nangingialam ka sa akin!"

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon