TPD: Chapter 3.9 pt.2

467 40 3
                                    

May part three pa to dahil masyado mahaba. Kailangan ko putulin ^^

Promote ko lang ulit may Facebook account po ako. At gusto ko po sana maging kaibigan ang mga nagbabasa sa story na to. Kindly add 'MNchanWP' tenchu😘

Enjoy reading!

Kye POV

"Nyle!" Malakas kong sigaw nang madatnan sa hindi kalayuan ng pwesto ko si Nyle na walang malay.

Saglit ako nabato sa akin kinatatayuan sabay ng panlalamig sa akin katawan at malakas na kabog sa akin dibdib nang makita ang kalagayan niya.

Parang hindi na siya humihinga! Pucha! Sana namali lang ako ng tingin! Kung bakit kasi di ko kinontra ang plano niya kanina! Argh! Sobra ako nagsisisi na iniwan ko siya kanina! Dahil alam ko naman na hindi pangkaraniwan ang kanyang kalaban. P-pero..pero.. ugh! hindi ko inaakala ganito ang kakahantungan ni Nyle!

Pero hindi nakakatulong ang pagiging tulala ko dito! Kailangan ko siya agad malapitan at iligtas!

Bumalik ang aking diwa at naigalaw ko na ang aking katawan. Kaya naman naisipan ko na agad kumilos para puntahan siya. Nagmamadali na ako sa pagtakbo papunta sa pwesto ni Nyle, nang biglang may isang pwersa ang malakas na dumamba sa akin at pinatumba ako sa lupa.

"Biti-" Napasinghap ako ng makita kung sino ang salarin. Lalo na at matitigan ko ang pagmumukha nito sa malapitan.

Pucha! Ito ang may sala kung bakit walang malay si Nyle. Gusto ko siyang murahin ng paulit ulit pero sadyang umuurong naman ang dila ko dahil sa kaba.

Kye, ano ba naman yan! Wag kang magpadaig sa takot! Labanan mo ang itim na lobo na to!

Malakas na sigaw ng aking isip. Gusto ko pagalitan ang aking sarili dahil sa pagiging duwag!

Hindi dapat ako matakot dito! Alam ko naman na siya ang kalaban namin. Nasa isip ko na eh! Pero bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko ngayon? Dapat alisin ko ang hayop na to na nakadagan sa akin dahil baka mahuli na ang pagligtas ko kay Nyle!

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko na naging paraan ko para kumuha ng lakas. Para tanggalin at takot sa katawan. At salubungin ng buong tapang ang itim na lobo na to.

At nang magtagumpay, dun naging klaro ang mga nanlilisik na mga mata, matatalas na pangil, mabalahibo na mukha at ang kahindikhindik na anyo nito. Alam ko kanina hindi pa ganito ang anyo niya nung tumakbo kami palayo. Yung anyo niya kanina parang normal na lobo siya na doble ang laki. Kasingtakad ng mga tao.

Pero ngayon hindi lang height niya parang tao, pero maski ang anyo. Hindi ako makapaniwala may dalawang kamay na siya! At ito ang ginagamit niya pangkulong sa akin.

Sinubukan ko pa tingnan ng mabuti ang mukha nito dahil hinuhulaan ko kung sino ang werewolf na to. Alam ko kasi nagiging tao sila. Kaya naman isang malaking katanungan sa akin kung sino ito.

Iniangat ko ng konti ang mukha ko sa kanya para matitigan. Nang bigla nito ibinuka ang bibig niya at umaksyon na parang kakagat.

Langya! Muntik na yun ah! Akala ko makakagat na buong mukha ko!

Mabilis ko naiatras ang ulo ko palayo sa lobo. At nandiri dahil nawisikan pa ako ng laway.

"Kadiri! Ang dugyot!" Reklamo ko at tiningnan ng masama ito.

Mukhang naintindihan nito ang aking sinabi dahil bigla itong umangal sa akin. At ika nga ni Patrick kanina, ang ibig sabihin ng tunog na iyon ay  nagsisignal na ito na gusto niya ako kainin.

Sinabayan pa ng paglapit ng pagmumukha nito sa akin. Habang nilalabas ang mga matatalim na pangil. Parang tumakas ang dugo ko sa akin nakita. Kaya naman buong lakas ko itinutulak ang lobo na to paalis sa akin!

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon