Happy 2k plus reads! Thank you po for giving this story a chance. Hope you can support this till the season finale ^^
Long chapter ahead, pambawi kasi natagalan ang update. Sorry ✌✌✌
Enjoy Reading!
Patrick POV
"Potek! Push muna mga bobo!" Gigil ko sambitParang mapupodpod na ang daliri ko sa kapipindot dito sa screen ko para lang mapatay ang letseng Nana na to!
Bwiset ka at ang penguin mong trap!
"Patrick, galingan mo ang pag set! " Rinig ko sigaw ni Sir Sev sa akin at gaya ko nagpang abot na ang kilay niya kakatutok sa screen.
"Ok kaya, set ko! Sir Sev, ayusin mo din kasi umambush. Assassin ka pa naman!"
Narinig ko na nagviolent reaction si Sir Sev pero naputol ito sa pagsingit na tanong ni Insan.
"Sina Nyle at Mikko? Nandito na ba? Gusto ko na uminom."
Tutok na tutok ako sa screen at kinailangan ko ang full concentration para sa laro. Kaya naman di ko sinagot ang tanong ni Matrix.
Nandyan naman si Sir Sev, siya na bahala sumagot. Dahil kailangan ko muna hilahin dito si Nana at patayin.
"Sige! Sige! Sige! Lapit kayo sa akin! Hah! Mga weak! Lalo na ikaw Luckystar143! Tunog cabinet pangalan mo!" Maingay na pagsigaw ni Sir Sev
Mukhang kagaya ko focus na focus na din siya sa laro. At dahil dun nagtanong ulit si Matrix.
"Sir Sev, Patrick? Si Nyle at Mikko, naka-"
"Insan, nakikita mo ba sila dito?" Ani ko habang di tinatanggal ang mata sa screen
"Hindi,"
"Ouh! Yun naman pala. Yan na sagot mo," sabi ko "Nakng tokneneng! Yung top butas na!"
Narinig ko ang pag tsk ni Matrix, pero hindi ko na siya pinansin dahil PUCHA!! Di ko namalayan ang top turrent namin.
Sinubukan ko puntahan iyon, pero lintek! Inambush ako ni DJ Khaleed, ughh!!!
Kaya ayun isang malaking...
"DEFEAT!! T*ngin*!!!" Malutong kong mura.
Ramdam ko ang panghihina, pati si Sir Sev dahil parehos kami napalupaypay sa sofa.
"Buti nga sa inyo. Karma yan! Sarap niyong kausap eh." Panunuya ni Matrix sa amin.
Tumawa tawa ang magaling kong insan na siyang dahilan sa pagkatalo namin! Kaya naman di ko maiwasan di siya bigyan ng matalim na tingin.
Saka pinakitaan ng gitnang dalira.
Nakita niya naman ito at isang ngisi lang ang ginanti niya.
"Bwiset na Luckystar 143! Tunog kabinet ang pangalan pero natalo pa ako," malungkot na sabi ni Sir Sev.
"Kasalanan ito ni Matrix eh. Sinira concentration natin!" Di ko pa rin tinatanggal ang talim ng titig ko sa kanya.
At dahil sa akin sinabi, umakto pa na parang nagulat ang epal na lalaki na to, habang naka upo sa silya ng study table.
"Ako? B-bakit parang kasalanan ko? Nagtanong lang naman ako." Inilagay niya pa ang kanan kamay sa dibdib niya at nagboses na innosente. Tsk!
"Tigilan mo ako sa linya na yan! Hindi bagay sayo! Ikaw ba si Bobbie ha? Tsk!" Asik ko sa kanya
"Hindi nga ako si Bobbie, pero kasing talino naman niya ako," pagmamalaki niya sambit.
"Matalino nga, pero bobo sa pagibig!"
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...