Last update for this year. Next year naman ang kasunod (Wew! Tagal naman nun 😄)
Enjoy reading!
Kye POV.
"Ahhhhh!" Malakas na sigaw ni Patrick sa akin tabi habang tinatakasan namin ang sunod sunod pag uulan samin ng bala.Ang bilis ng mga pangyayari. Ang tahimik lang ng aming paglalakad papunta sa kweba, tapos mangyayari to?
Sino mag aakala magiging action star kami bigla? Kasi nung huling check ko paranormal detectives lang kami.
Akala ko pa kanina illusyon lang ang bala, pero ng marinig ang sinabi ni Sir Sev, dun ako natauhan. At basta na lang gumalaw ang aking katawan at tumakbo sa hindi malaman na direksyon.
Kaya naman ngayon nagkahiwahiwalay kami lahat. At tanging kami lang ni Patrick ang nagkasabay sa pagtakbo dito.
Si Patrick na walang ginawa kundi magsisigaw simula kanina hanggang ngayon.
"Kyeee!! Kyee!!"
"Ayoko pa mamatay! Ayoko pa mamatay!! Ang gwapo ko para mamatay! Ahh!!"
"Lord, maawa kayo sa akin! Maawa kayo sa akin!!"
Pucha! Bilib din naman ako sa lalamunan ng lalaki na to. Hindi namamaos. Kanina pa naka maximum volume ang boses niya pero hanggang ngayon buo pa rin.
Ang hirap tuloy mag isip ng plano ngayon dahil naabala ako sa boses ni Patrick. At kung hahayaan ko pa siya magsisigaw panigurado malalaman ng kalaban kung nasaan kami nito eh. Tssk!
Kaya naman para pigilan iyon, bigla ko hinablot ang braso niya at hinila siya sa pinakamalapit na puno sa amin.
"Kye, bakit mo ginawa-"
"Shhhh!" Inilagay ko ang aking palad sa labi niya saka pinandilatan ng mata.
"Wag ka ng sumigaw, please lang! Imba din naman niyang boses mo, di namamaos." Mahina at madiin ko sabi sa kanya.
"Mmmmpf...mmpf."
Hindi ko napigilan ang aking sarili itaas ang isa kong kilay dahil sa pagtangka pa talaga pagsalita ni Patrick.
Sumagot pa talaga siya sa akin sinabi, eh di ko rin naman iyon maintindihan. Lakas ng trip!
Isang pitik sa noo ang ginawa ko bago sinermunan ang lalaki na to, "Patrick, wag ka ngang shunga! Bakit ka ba nagsasalita? Bulag ka ba at di mo nakita nakatakip ang palad ko sa bibig mo! Wala akong maintindihan!"
Nasstress na ako sa ginagawa ni Patrick. Minsan naiisip ko kung ano ba tumatakbo sa isip ng lalaki na to. Tsk!
Nakita ko napatingin si Patrick sa akin palad. Tsaka dun pa niya narealize kung gaano siya ka tanga.
"Kye, ang alat ng kamay mo!" Reklamo niya nang tinanggal ko na ang palad ko sa bibig niya, "Pambihira yang kamay mo. Ang lamig na nang klima pero basa. Yuck!"
Saka kumuha ng panyo sa bulsa niya at nagpunas.
"Letse ka! Wag mo ma yuck yuck kamay ko!" Agad ko siya binigyan ng batok saka binigyan ng masamang tingin.
"Hindi mo ba alam kung paano ako ninerbiyos kanina dun! Kaya malamang pagpapawisan ito," ani ko
"Pinunasan mo sana ito bago itakip sa bibig ko no?" Reklamo ng kumag na to.
At dahil sa sinabi niya hindi ko maiwasan di mapairap, "Wala na akong time magpunas pa senyorito, dahil baka di ka na inform inulan na tayo ng bala kanina. Uunahin ko pa ba iyon kaysa buhay ko?"
"Atsaka isa pa, kinailangan ko takpan ang bunganga mo dahil malalaman nila kung nasaan tayo. Ang lakas kasi ng boses niyo po. Parang alarm na nagsasabi kung nasaan tayo." Isang plastic na ngiti ang ginawa ko pagkatapos sabihin iyon na tinugonan lang ni Patrick ng pag irap.
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...