To the readers who gave this story a chance, Thank you so much ❤
Enjoy Reading!
Matrix POV
Isang malalim na hininga ang ginawa ko habang nasa likuran ng cabin namin. Dinama ko ang sariwa at malamig na dala ng hangin dito sa La Tierra.
When suddenly, I felt a presence behind my back.
"Anong ginagawa mo dito sa labas? Nasa loob ang party ah?"
Nang marinig ko iyon hindi ko mapigilan na hindi mapangiti at humarap sa nag mamay-ari ng boses na yun.
"Nagpapahangin lang. Bakit ka sumunod sa akin Gabriella? Miss mo ko no?"
"Pfft! Feeler! Hindi kita namiss, actually pinahanap ka nina Patrick at Mikko. Dahil birthday na birthday nawawala yung celebrant." Sabi niya na may sarcasm sa boses "Sa tingin mo kanino kayang birthday to?"
Natawa na lang ako dahil sa tono ng boses ni Gabriella. Ang cute kasi, parang nawala yung tampo ko kanina nung tiningnan niya ang Caleb na iyon.
Malaki lang katawan nun eh, tsaka mapanga. Tss.
Magiging masama na sana ang mood ko ngayon, pero dahil sa sinundan ako ni Gabriella dito agad iyon nawala.
Habang nakita ko ang mabilis na pag irap na ginawa ni Gabriella sa akin.
"Alam mo bumalik na tayo sa loob. Bakit ba kasi lumabas ka pa. Ano ba ang tinitingnan mo dito?" Sabi niya tsaka tumingala.
"Ang ganda ng langit ngayon no? Ang daming bituin at ang liwanag ng buwan, " I said as I gaze up towards the night sky.
"Hmm..Oo, maganda. Mukhang maganda ang panahon ngayon dahil sa dami ng bituin. Pero yung buwan... nakakakilabot. Mukhang may lalabas na lobo dahil ang liwanag at ang laki na dala nito," komento ni Gabriella
Napangiti ako sa kanyang sinabi saka di maiwasan mapailing.
"Yun talaga ang naisip mo sa buwan ha! Di mo man lang naappreciate ang kagandahan niya ngayon."
"Eh totoo naman nakakakilabot. Tingnan mo ang laki laki, eh dba nga fullmoon ngayon kaya possible may lumabas ng kung ano ano na kababalghan." Rinig ko ang konting pagkilabot sa kanyang boses, making ny smile grew wider, "Wag ka ngang ngumingiti dyan. At halika na Matrix, bumalik na tayo sa loob. Baka may kung ano pa sumalubong sa atin dito sa labas."
She touch my right arm and tried to pulled me inside. But I didn't budge
Instead, I just held her hand, "Baliw, walang lobo o kababalaghan ang lalabas dito, aswang baka meron," biro ko.
"Hah?!! Seryoso! The fudge umalis na tayo dito dahil ayoko makaharap ng aswang sa-"
"Biro lang! Eto naman agad na praning,"putol ko at natawa
"Nakakainis ka talaga!" Sabay sapak sa akin braso. Habang nakikita ko ang pang gigigil sa mukha ni Gabriella.
Ang sarap din talaga tuksuhin minsan ng baby ko.
"Alam mo Matrix, tigilan mo na nga ako sa pangbubuwesit. Kasi sino hindi mapapraning? Nung last week lang tayo nagkaharap ng isang aswang, kaya ayoko muna makakita ng isa. Nakakastress sila ang aggressive my gosh!"
Nakita ko ang pagmasahe ni Gabriella sa kanyang sentido. At mukhang naalala ang huling mysteryo hinawakan namin.
"Bumalik ka na sa loob at susunod na ako sayo mamaya," ani ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...