Natagalan ako isulat ito kasi pabago bago ang naiisip ko na mga eksena, lalo na sa part ni Sir Sev. Nasa isip ko kasi nun na kailangan formal ang pagkasulat ko...ilang beses ko binura ang draft para sa chapter. Hanggang sa huli narealize ko, kailan pa naging formal si Sir Sev. 😅
Enjoy reading!
Sir Sev POV.
"Ay kabayong buntis!" Agad ako napatayo sa pagka upo at mabilis na inistretch ang amazing ko na braso kasabay ng pag isa din ng paa ko para masalo ang lumipad ko na cellphone.
"Gotcha!" Nakangisi kong sambit ng masalo ito.
Wooh! Mabuti na lang best in gymnastics ka Sev! Dahil kung hindi magbabye ka talaga sa Samsung S21 mo!
Pagkatapos ko masalo iyon agad ako umayos atsaka napatingin muli sa nakabukas na GC ng TPD.
Kanina pa sila offline, siguro nagsisimula na ang misyon nila. Pero kahit ganun, hindi ko magawa di mag offline kagaya nila. Naiwan ako na mag isa GC at hindi ko na nabilang kung ilang oras na ako nakatitig sa GC namin kanina.
Pakiramdan ko kanina parang konti na lang malapit na ako naging statwa dahil sa hirap ako igalaw ang leeg, braso at likod ko.
Mabuti na lang din talaga nagvibrate ang phone ko. Kasi dahil dun naka galaw ako. Yun nga lang muntik ko na ito naitapon dahil sa gulat.
Isang buntong hininga ang ginawa ko pagkatapos masalo ang phone ko. Tsaka itinapat ang kanang kamay sa akin dibdib.
Chineck ko kung may nagbago ba sa pintig ng aking puso kaysa kanina. At ganun na lang ang takot ko ng maramdaman na mabilis pa rin ito na aakalain mo katatapos ko lang ng Triathlon.
Putek! Hindi pa rin nawawala!
Napalunok ako ng malaman iyon at bahagya pinagpawisan.
Kung sa normal na sitwasyon hindi na nakakagulat ang pag bilis ng tibok ng puso ko, since kagagaling ko lang sa gulat. Maiintindihan ko kung ganun ang nangyari...
But no! It's not!
Kanina ko pa ito naramdaman habang nasa kalagitnaan ng pagsskincare ko. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagtaas ng balahibo ko sa kamay.
At nang maramdaman ang mga iyon natigilan agad ako sa akin ginagawa. Kasabay ng pag aalala ng isang memorya na kung saan pilit ko na kinakalimutan.
Nung una ayoko ito kilalanin na kapareho itong nararamdaman ko sa nangyari noon. Dahil tapos na iyon at wala na ang mismong dahilan nun para maramdaman muli ang takot.
Sinubukan ko mag isip ng ibang rason para dito para hindi ako tuluyan magpanic at maisipan sundan ang TPD.
Baka kasi simpleng pag aalala lang ito kagaya ng dati sa tuwing aalis sila na hindi ko kasama. At mawawala lang kapag nakausap ko sila.
And that's what I did. Kinausap ko ang Beloved TPD ko at natuwa naman ako sa takbo ng istorya ng mga topic namin. Pansamantala nawala ang bumabagabag sa akin kanina.
Pero hindi sapat... bumabalik pa rin sa sistema ko ang halo halo ko na mga emosyon ng kaba, takot at pag aalala. Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko mag type ng ganun.
Alam ko nabigla ko sila sa pagka out of character ko na chat. Pero sadyang kinailangan ko iyon sabihin nila, just in case na masyado sila na attach sa pag tulong at isa alang alang ang kanilang buhay. Kailangan ko paalahanan sila na hindi lang ang pagtulong ang importante sa trabaho na to, kundi ang kanila rin mga buhay.
Nais ko ipaalala sa kanila iyon para hindi na maulit pa ang nakaraan. Tama na ang isang beses lang mangyari ang masakit na pangyayari na yun!
Okay na ako na lang masaktan, basta wag lang sila.
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...