To the readers who gave this story a chance, Thank you so much❤.
Enjoy Reading!
Patrick POV
"Ayan na! Papalapit na!" Turo ko habang malapad na nakangisi nang papalapit na ang mukhang itlog na sasakyan sa cable car.Kanina ko pa gusto makita kung ano meron sa sikat na cable car na to. At nakakainis lang dahil naunahan ako nina Mikko.
Kasalukuyan kami tinotour ngayon ni Sir Raul ang may-ari ng La Tierra, alas diyes kami nagsimula. At marami rami na rin ang aming napuntahan dito sa La Tierra.
Isa dun ay nag extreme trail kami na kung saan matatagpuan ang mga iba't ibang obstacle course dito. Bumisita din kami sa strawberry farm nila at namitas ng mga strawberry, pagkatapos nun ay agad kami nag lunch sa isa sa mga sikat nila na resto na kung saan overlooking ang ibaba ng La Tierra.
Iyon muna ang ginawa namin bago pinuntahan ang kabilang bahagi ng La Tierra, suggestion ni Sir Raul kasi kanina na mas mabuti sumakay kami ng cable car kapag hindi na masyado mainit. Kaya naman alas tres ng hapon na kami nakasakay. Para hindi masyado mainit at para pag uwi makita din daw namin ang sunset.
Papalapit na ang hugis itlog na sakayan sa amin at parang gusto ko na talunin ang pagitan namin dahil sa excitement. Lima lang kasi ang pwede makasakay dito, kaya naman hindi kami nagkasya kanina.
Nauna sina Sir Sev, Sir Raul , Mikko, Haylee at Kye. Habang naiwan kami nina Insan, Gabby at Nyle.
Nung una gusto ko sana sumama sa kanila. Dahil alam ko mangiinggit lang sa kasweetan sila Matrix at Gabby, yung magkaibigan lang daw pero kung umasta parang magnet sa isa't isa. Di mapaghiwalay. Tsk.
Nauumay ako tingnan sila. Kaya naman gusto ko sana sumama sa first batch. Pero nakng tokneneng! Naunahan ako nina Mikko, Haylee at Kye. Kaya ayun napasama ako dito.
Buti na lang nandito si Nyle, may kasama ako mainggit. Hehehe.
"OMG! Ang ganda sa loob." Namamangha sambit ni Gabby nang makapasok na kami sa hugis itlog na sakayan.
Nasabi ko na hugis itlog, dahil yung porma niya ay parang sa itlog. Tapos kulay white pa ang buo nito. Kaya para siyang itlog talaga. Pero sa pagpasok mo sa loob, hindi kita sa labas kanina ang napakalaki na glass wall na magsisilbi na parang viewing site mo sa ibaba.
May heater din ang loob nito at may upuan din kung napapagod ka na sa pagtayo.
Nagsimula na umandar ang itlog na to at sabay kami umupo tatlo nina Insan at Gabby. Habang si Nyle nakatayo lang malapit sa glass wall.
"Nilalamig ka ba?" Bigla nagsalita si Insan sa akin tabi.
"Hmm..oo, med-ay joke! Hindi pala ako kausap mo."
Akala ko nung una ako ang tinatanong niya dahil kami ang magkatabi, pero laking hiya ko na si Gabby pala.
Medyo naging assuming ako sa banda na iyon. Kung bakit nag expect ako na tinatanong ako ni Insan kung nilalamig ako, syempre nandito si Gabby kaya multo lang ako sa tabi ni Matrix.
"Di naman. Pero yung kamay ko lang medyo malamig dahil palagi ko nilalabas tuwing nagpipicture ako sa phone ko." Sagot naman ni Gabby kay Insan.
Nakatingin lang ako sa kanila. Walang ekspresyon ang mukha dahil parang alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Ganun ba, akin na kamay mo." Sabay kuha ni Insan sa kamay ni Gabby at saka kiniskis iyon sa pamamagitan ng kamay niya at binugahan ng hininga.
"Malamig pa ba?" Tanong ni Insan kay Gabby pagkatapos gawin iyon. At nakita ko kung paano namula si Gab sabay iwas ng paningin kay Matrix.
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...