Day off kaya natapos ko ang update. Yay! 🎉🎉🎉
Enjoy reading!
Third Person POV
Ilaw na galing sa sinag ng buwan na sumisilip sa bintana ang siyang nagbigay ng konting liwanag upang makita ang loob ng science lab.
Binalot ng katahimikan ang walang katao tao na silid. Nang biglang may mabilis na dalawang anino ang dumaan sa may bintana sabay ng pagbukas ng pinto.
Halos makandarapa sa pagpasok ang dalawang batang lalaki at babae sa loob na parang nawawalan ng hininga. Agad nila sinirado ang pinto habang nanginginig ang buong katawan. Dahil sa sinag na nanggagaling sa buwan kitang kita kung papaano sinusubukan pakalmahin ng batang lalaki ang batang babae na kasama na umiiyak.
Pilit nito inaalo kasabay ng pagpapaala na maging tahimik. Di nagtagal ay iginiya niya ito papunta sa isang sulok para magtago. Habang sinubukan ng batang lalaki maglibot libot sa di kadiliman na silid. Mukhang may hinahanap habang bumabaling ang tingin sa pinto.
Hindi agad nito nakita ang kanyang hinahanap dahil sa dilim na bumabalot pero di nagtagal ay nakahanap ito ng mga bato na kung saan mahigpit nito hinawakan.
Balak na sana ng batang lalaki pumunta sa pwesto na tinataguan ng batang babae, nang biglang bumukas ang pinto. Agad na napaupo ang batang lalaki sa nangyari.
Hinintay ang pagpasok ng kung sino. Pilit nito sinuksok ang sarili sa ilalim ng mesa na tinataguan nang biglang nagsira lang bigla ang pinto.
Ilang segundo muna ang pinalipas ng batang lalaki bago tiningnan kung ano ang nangyari, nang makita walang pumasok. Bumalatay sa mukha nito ang pagtataka at napaisip kung ano ang nangyari.
Pero agad din ito nagdesisyon na wag na alamin ang sagot at agad na lang na kumilos papunta sa batang babae na nagtatago sa sulok.
Malapit na ito sa tinataguan ng batang babae nang biglang may sumungaw na usok sa kwarto. Usok na bigla na lang lumabas at mabilis nito nabalutan ang buong kwarto. At kasabay sa pagbalot nito ay ang pagkatumba naman ng batang lalaki sabay bitaw ng mga bato na hawak.
Nakita ng batang babae ang nangyari kaya naman agad nito inaluhan, pero bago pa niya marating ang pwesto nito agad din ito natumba at nawalan ng malay.
Pinalibutan ng usok ang kwarto at tumagal ito ng tatlong minuto bago nawala. At sa tuluyan ng pagka wala nito ay siyang pagbukas muli ng pinto kasabay ng pagliwanag sa kwarto at ang paglantad sa mukha ng kakapasok pa lamang.
"Nakng pucha!" Malakas na sigaw ni Patrick na nagdulot ng pagtalon ng mga kasamahan niya sa gulat.
Di kasi nila inaasahan na ganun na lang ang magiging reaksyon nito ng makita ang salarin sa pagkapatay ng mga bata.
"Siya yung pumatay sa mga bata na to! T*ngin*a bakit?"
"Shhh! Save your reaction for later, Patrick." Pagpatahimik ni Nyle dito habang ang mga mata ay nakatuon sa screen.
"We need to know the whole story." Dagdag pa nito.
Hindi na kumontra si Patrick sa sinabi nito at ibinalik ang panonood sa laptop. Ang taong kakapasok pa lang ay kasalukuyan na may ginagawa sa loob ng science lab. Hinahalo nito ang ibang chemical saka inilalagay ang Erlenmeyer flask sa lab burner para kumulo. Pagkatapos nun isinantabi nito ang hawak saka pumunta sa isang kwarto na nasa loob din ng science lab.
Ilang segundo lang ang tinagal dun dahil agad din lumabas at may dalang malaki na drum na mukhang gawa sa aluminum. Pwinesto nito sa gitna saka inilagay ang katawan ng dalawang bata. Pagkatapos binalikan ang ginawa na nasa Erlenmeyer Flask at binuhos sa loob ng drama.
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...