TPD: Chapter 3.1

1K 53 43
                                    

Maraming salamat sa matiyaga na naghintay sa update na to. Alam ko natagalan ang update, kaya pasencya na. Bawi ako sa haba ng update ngayon (Sana di kayo mabored heheh). Hindi ko aakalain na third mystery na pala tayo, napakabilis. And I dont know if this will be the last. (Do you still want more mystery sa TPD? Comment down)

And Thank You so much for the 4k plus reads sa storya na to. Plus, we also hit 50k plus reads sa Season 1 na kwento! 🎉🎉🎉 Ohemji! The best talaga kayo 😘😘😘 Sana hanggang season finale, di kayo bumitaw ^^

Enjoy reading!

Humahangos, mabilis na pagpintig nang puso kasabay nang sunod sunod na pagtulo ng pawis kahit malamig ang simoy ng hangin.

Iyan ang nararamdaman ng isang lalaki may gutay gutay na damit habang balot ang buong katawan ng mga kalmot na nanggaling sa hindi matukoy na hayop.

Mabilis na pagtakbo ang ginagawa niya pababa sa madilim at mabato na kagubatan na hindi tumitingin sa likuran, dahil pakiramdam niya kapag gagawin niya iyon mas mahihirapan siya sa pagtakbo. Kinailangan niya mag focus sa pagtakbo at balansehin ang sarili upang hindi maabutan sa kakaiba na nilalang humahabol.

Ngunit, hindi nagiging madali iyon. Dahil halos balot ng kadiliman ang gubat, na nagdudulot ng pagkabulag sa lalaki sa kanyang dinadaraanan. Sanhi nun? Mga naglalakihan na mga puno, na sa unang tingin pa lang alam mo na dumaan na ito ng ilang siglo ng panahon. Kaya naman sa laki nito hindi maiwasan matatapilok ka sa mga ugat nito na malalaki.

Hindi lang din puno ang nagiging hamon sa pagtakbo sa lalaki. Bukod sa mga ugat na nakausli sa lupa, hindi din mawawala ang iba't ibang mga bato na nagkalat sa daan. At meron din lupa na malalambot na sa oras tapakan mo ito, agad maiiwan ang paa mo at maari magdulot ng pagkatumba.

Mabuti na nga lang bilog na bilog ang buwan sa gabie na ito. Ang liwanag galing dito ay ang tumutulong sa lalaki na kahit papaano makakita sa kadiliman na namamayani sa gubat na to. Kung wala ang buwan, panigurado magiging bulag siya sa pagtakbo.

Kahit na nahihirapan sa lahat ng balakid na dulot ng kalikasan. Sinikap niya pa rin tumakbo ng mabilis upang marating ang bukana ng gubat. Para makahingi man lang ng tulong sa malapit na establishimento sa kakaibang nilalang na humahabol sa kanya.

Kinailangan niya makahingi ng tulong para naman hindi masayang ang nasakripisyo na buhay ng limang kasamahan niya. Dapat mabalaan niya ang mga tao sa mga nasaksihan niya sa loob ng misteryosong gubat na to. Para sa gayon wala ng mapapahamak pa.

Puno man ng mga sugat at kalmot sinikap niya pa rin tumakbo ng mabilis habang pinapatibay ang loob sa hindi pagsuko. Kahit na ramdam na niya ang unting unti panghihina ng mga paa niya at panghihina ng katawan, pilit niya nilalabanan ang kapaguran. Para sa kanyang buhay na gusto niyang makamtan.

At hindi siya nabigo, dahil sa biglang liwanag na nakita niya sa dulo bahagi ng kanyang posisyon. Bumalatay ang pag asa sa mukha niya nang makita ito at mas binilisan ang pagtakbo para sa kaligtasan.

Konting konti na lang! Magiging ligtas na rin ako! Makakalabas na ako sa bangungot na gubat na to!

Sigaw ng kanyang isip saka ikinuyom ang mga palad at pinagdikit ang mga ngipin habang dinagdagan ang bilis ng takbo.

Arghh!! Konting konti na lang!

Dahil sa wala ng lakas para sumigaw hanggang sa isip niya na lang nasasabi ang lahat ng gusto niyang sabihin.

Humahangos na parang mapupugto ang hininga.

Bumibilis ang tibok ng puso na parang lalabas sa katawan.

At pagkaramdam ng pag asa sa unting unti liwanag na nakikita.

Yan ang nararamdaman ngayon ng lalaki sa nalalapit na paglabas sa kadiliman ng gubat.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon