Sorry kung hindi ko naepost kahapon, masyado mahaba ang chapter na to na kailangan ko hatiin baka mabored kayo. Pero kahit nahati mahaba pa rin >__< Sorry
Dedicated to @feli_joy Hello po, thank you po sa pagbabasa ng storya na to. Thank you! Thank you!
Enjoy Reading!
Kye POV
ENNGK! ENNGK!!Ughh!! Ano ba yan, ang ingay!
Balak ko sana ignorahin iyon pero hindi tumitigil. Taena! Kaninong alarm ba yan!
Tumigilid ako ng higa tsaka gamit ang isang bahagi ng unan ay tinakpan ko ang tenga ko.
Babalik na sana ako sa pagkatulog ng kalabitin ako ni Gabby.
"Ano?!" Galit kong sambit saka pinaalis ang pagkakalabit sa akin ni Gab
"Kyennah! Patayin mo yang alarm mo!"
At dun ko lang naemulat ang mata ko dahil naalala ko bigla na may lakad pala ako, kaya nagpa alarm ako kanina.
Pucha!
Napaupo ako tsaka hinanap ang phone ko na nasa mesa malapit sa akin. Pinatay ko agad iyon tsaka napahikab at nag stretch ng konti.
My gheed! Inaantok pa ako, parang ayaw ko na tumuloy sa napagusapan namin ni Adriano. Kaya lang nakakahiya naman kung iindian ako. Haay naku, bahala na nga.
Tumayo na ako sa pagkaupo at agad na pumasok sa CR para maligo at makapag ayos sa sarili.
At nang makalabas na dun ko napansin na wala si Haylee sa kanyang kama. San nagpunta ang babaeng yun? Bumaba ba siya?
Habang nagpapatuyo ng aking buhok. Chineck ko ang aking phone kung anong oras na at ganun na lang ang pagkataranta ko ng makita 5:00 am na.
Langya! Late na ako sa usapan namin.
Kaya naman dali dali ako nagsuklay, naglagay ng pulbos, liptint at nagspray ng perfume bago maingat na umalis sa kwarto namin.
Nilakad ko na ang meeting place namin ni Adriano at dun ko napansin na ang tahimik ng hallway.
Wala pa bang gising sa bahay na to? Akala ko pa naman maaga nagigising ang mga kasambahay nila. Pero wala akong nakikita na tao, o sadyang nasa ibaba lang sila?
Narating ko na din ang lugar na kung saan napagusapan namin makipagkita ni Adriano at laking tuwa ka na wala pang tao dun.
Mukhang hindi lang ako ang late. Tiningnan ko ang aking relo at nakita ko na 5:20 am na.
Since wala pa naman si Adriano, balak ko sana tingnan yung grand piano nila. Wala kasi akong magawa kaya aaliwin ko na lang sarili ko dito.
"Good Morning Kye,"
"Anak ka ng kalabaw!- Adriano nandyan ka na pala?" Gulat ko sambit ng titipahin ko na sana ang piano keys.
Hawak ko ang aking dibdib sa gulat dahil hindi ko man lang narinig ang yapak ni Adriano sa aking likuran. Taena! May lahing ninja ata ang lalaking to.
"K-kararating mo lang ba?" Tanong ko sa kanya
"Sort of, did I keep you waiting?"
"Ah di naman. Kararating ko lang din eh." Tsaka nahihiya na ngumiti
Nakasuot siya ngayon ng navy blue na polo at nakatuck in eto sa itim na slacks. Hindi ko alam kung naligo na ba ito si Adriano kasi hindi naman basa ang buhok niya pero ang fresh niyang tingnan. Not to mention ang bango ng koya niyo. Sheyt! Dagdag sa kagwapuhan ng mokong ang bango niya, matanong nga sa kanya kung anong gamit niyang perfume. Reregaluhan ko ang Kuya Kei ko, baka sakali gumwapo naman ang kapatid ko na iyon. Heheh
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...