Last update for this week para sa TPD. And thank you sa mga nagtyaga at naghintay ng update. Sana di kayo nainip.
Dedicated to @kccabrera81 Thank you for giving time in reading my story. I truly appreciate it ;)
Enjoy Reading!
Third Person POV.
"Naku, maraming salamat talaga sa pagkuha mo ng duty ko ngayon tol ha. Malaki talaga ang utang na loob ko sayo." Sabi nito tsaka tinapik ang isang lalaki na kulay ash blonde ang buhok"Walang anuman iyon. Tsaka nag enjoy naman ako sa pagiging gasoline boy ngayon araw na to."
"Heheh mabuti naman at nag enjoy ka. Ano nga pala ang nangyari ngayon araw? Madami bang nagpagas? Naku, ang swerte ko talaga at natymingan ko ang pag daan mo dito sa gasolinahan namin. May kumuha agad ng shift ko para sa date namin ng girlfriend ko." Tanong nito habang sineset up ang cash register bago magsimula ang trabaho
"Walang anuman iyon, namiss ko din ang dati kong trabaho. At medyo madami ang nagpagas kanina. Pero kaya naman, niya pala may nagtanong sa akin ng shortcut kanina papuntang Bonifacio City .Diba yung private road ng mga De Villa ang shortcut?"
"Ay Oo. Shortcut yun. Pero tol, delikado dumaan dun naku! Diba nga sinabi ko sayo noon na kung sino man magtangka dumaan dun eh nawawala sila at hindi na nakalabas. Kaya naman hindi advisable ang daan na iyon. Ang sabi sabi kasi pinamumugaran daw iyon ng kung ano masamang espiritu. Kaya nga ibebenta sana ng mga De Villa iyon pero walang nagtangkang bumili dahil sa mga nangyayari dun." Sabi nito sa kasamahan.
"Naniniwala ka talaga sa sabi sabi na iyon?" Tanong ng lalaki na may panunukso sa boses
"Oo, naman tol. Nakikita mo iyon mga missing poster dun? Lahat ng mga tao nasa poster ay dumaan dun sa private road ng De Villa, tapos hindi na nakalabas. Kaya naman tol, totoo ang mga kababalaghan sa mundo na ito. Sinasabi ko sayo, naku." Sabi ng lalaki "Kaya naman sana hindi mo sinabihan ang nagtanong na iyon sa private road ng De Villa dumaan kasi kawawa sila, baka masunod sila sa magiging missing person."
Puno ng pagalala ang isang lalaki habang sinabi niya iyon sa kasamahan, habang ang isa ay tumawa lang dito.
"Wag ka ngang tumawa dyan. Seryoso ako dun, kaya naman sana hindi mo talaga sinabi sa kanila ang tungkol sa daan na yun. Sinabi mo ba?"
Nagkibit balikat lamang ang lalaki na may kulay ash blonde ang buhok tsaka tumalikod at bahagya na natatawa.
Habang ang kanyang kasamahan niya naman ay napakamot na lang sa ulo sabay iling.
"Ang weirdo din talaga minsan ng lalaki na iyon. Hindi ko mahulaan ang takbo ng isip. Tsk! Tsk!" Sabi nito at ibinalik ang atensyon sa harap.
Mikko POV
Kamusta na kaya si Parekoy ko? Galit pa ba siya sa akin? Sinubukan ko siya lapitan kanina, pero umiwas siya.Tsk!
Ikaw kasi Mikko eh, ang bilis bilis mo din pagsalitaan ng ganun si Kyennah alam mo naman ang isang iyon mainitin ang ulo.
Ginulo ko ang aking buhok dahil sa pagtatampo ni Kye sa akin, atsaka tumagilid na higa.
Kanina pa nakatulog ang mga kaibigan ko pero heto ako ngayon, dilat na dilat pa rin ang mata. Taena!
Iniba ko na naman ulit ang posisyon ko at tinalikuran si Patrick ng higa.
Pinilit ko pumikit pero dumaan ang ilang minuto, hindi pa rin ako dinalaw ng antok.
Tumihaya na naman aking position habang iniisip kung gising pa ba si Kye saka tiningnan ang relo na nasa braso.
Eleven thirty pa, tulog na kaya siya? Baka hindi pa at nagcecellphone. Pero walang signal dito kaya hindi gumagana ang LTE, wala din wifi sina Ansel kaya hindi siya makapagpuyat.
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...