Kahapon ko pa sana to na post pero nagloloko si wattpad. Sorry for the long wait. And thank you for patiently waiting.
Also, Thank you for the 5k plus reads para sa Season 2. 🎉🎉🎉 love ko talaga kayo, mwah!
Enjoy reading!
Gabby POV.
"Yay! Shopping!" Masayang sigaw ni Patrick na nagboses babae habang mabilis kumuha ng basket nang makapasok.
Pfft! Excited talaga siya sa palibre ni Sir Raul sa amin dito sa souvenir shop nila dito sa La Tierra.
"Baliw talaga," komento ni Matrix sa akin tabi habang nakatingin kay Patrick na nagsisimula na maglagay ng gamit sa basket.
"Ano ka ba, Matrix wag mo sabihan na baliw yan. Baka nakakalimutan mo na pinsan mo yan." Natatawa na sabi ni Mikko sa tabi niya.
"Huh? Pinsan ko ba yan? Sino may sabi? Fake news!" Tanggi ni Matrix habang humawak pa sa dibdib na akala mo gulat na gulat.
Adik din ang lalaki na to eh, itinanggi si Patrick. Kawawa naman.
Kaya naman di ko maiwasan di siya sawayin sa pamamagitan ng pagsiko.
At tinanong pa niya kung bakit ko yun ginawa. Haay naku! Ewan ko na lang sayo, Vargas.
Hindi ko na lang iyon sinagot at nagsimula na maglibot para makabili ng kinakailangan ko. Medyo malawak pa naman ang lugar dahil parang mini department store na ito ng La Tierra. Halos nandito na lahat kakailangan mo. Mukhang matatagalan pa ako sa pagbili, kasi di pa ako masyado pamilyar sa kung saan ang shelf ng mga gamit na kailangan ko bilhin.
Nakakamangha talaga ang souvenir shop nila. Kahit na nasa itaas na kami ng bundok, pero yung mga tinitinda dito magkapareho na sa mga tinitinda sa mall. And ang swerte lang namin at binigyan kami ng ganitong pagkakataon ni Sir Raul, na libre kumuha ng mga gamit dito.
Kaya naman hindi ko rin masisisi si Patrick sa excitement niya ng makapasok. Kasi maski ako lowkey naeexcite ako sa offer nato. And speaking of Patrick, nakita ko papunta na siya sa section na kung saan may kinakailangan siya bilhin.
Seryoso nga ata siya sa sinabi niya dilemma kanina sa amin. At nang maisip ulit iyon, natatawa at napapailing na lang ako ng maalala ang kanyang sinabi. Para tuloy nagkaroon ng ideya sa akin, na baka narinig kanina ni Sir Raul ang amin napag usapan kanina. Dahil tyming na tyming yung pagsabi niya tungkol sa libre.
"Sure na ba talaga na mageextend pa tayo dito ng isang araw?" Tanong ni Patrick sa amin habang kumakain sa restaurant dito sa La Tierra.
"Patrick, asaan ba ang isip mo kanina ? At hindi mo narinig ang plano?" Nakaisa ang isang kilay na sambit ni Sir Sev.
"Narinig ko ang plano. Pero sinisiguro ko lang kasi."
"At bakit, Patrick?" Ani naman ni Matrix dito.
Ininom ko ang tubig sa akin baso, habang hinihintay ang sasabihin ni Patrick. Medyo natagalan siya sabihin ito. Kaya naman nagtaka na ako kung bakit.
"Eh kasi may malaking problema ako." Mahina niyang sambit.
"Problema? Ano naman iyon?" Tanong ni Mikko
"Basta, malaking problema."
"Ano nga?" Si Kye naman nagtanong
Nakita ko ang pag alinlangan sa mga mata niya sabay lunok at pinaglalaruan ang mga daliri, "Hindi ko alam kung dapat ko ba to sabihin, pero nababahala kasi talaga ako."
BINABASA MO ANG
Teenage Paranormal Detectives {Season 2}
ParanormalA group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond that made them built a group named Teenage Paranormal Detectives. ---- (This is the second book/Seas...