Chapter 3

9 4 0
                                    

"Mr. And Ms. Mariejoa"

Aliena's POV

Ngayong araw ang mahalagang araw ng Janna dahil ngayong araw gaganapin ang pageant.

Walang pasok ngayong araw dahil gusto ng university na makapaghanda ang lahat ng kasali pati narin ang mga manood mamayang gabi.

Eto ako ngayon sa sala at nagdo-drawing ng isang portrait.

I just found a new techniques and tips to blend the colors and to give it a realistic looks.

3:43pm na nang matapos ko ang portrait at hindi naman masama ang final touch.

Inayos at itinabi ko na ang mga ginamit ko at pumanhik sa aking kuwarto.

Hinanda ko na rin ang aking susuoting uniform na white long sleeve na may necktie na dark blue at may logo na 'M' sa gilid pati na rin ang dark blue skirt na above the knee. Yun ang formal uniform sa university at prohibited na magsuot ng iba kahit may events.

Gaganapin ang event sa open field ng university kung saan doon kami pumupunta pag P.E. time. May malaking stadium din dun kung saan ang mga contestant na maglalakad at ang mga audience naman ay may kaniya kaniyang seat kung saan nila gustong puwesto.

Naligo na ako at nagbihis, nagsuot na rin ako ng medyas na white at black shoes na may 1 inch lang ang heels.

Paglabas palang ng aking kuwarto ay wala paring tao ang nasa baba.

Napag -isip isip ko na bisitahin muna ang room ni Ash na malapit lang sa room ko.

Dahan-dahan ko naman pinihit ang doornkbob niya at napag-alamang hindi naka lock.

Binuksan ko ng konti ang pintuan upang siya'y silipin...

Nakita ko naman agad siyang nakahiga at talukbong na talukbong ng kumot.

Tulog pa siya?

4:10 na at tulog pa rin siya.

'Ano siya? Sleeping Prince?'

Pumasok ako sa loob at dahan-dahang pumunta sa kaniyang closet upang hindi siya magising.

Hinanap ko ang uniform set niya at suwertenamang malinis at hindi gusot-gusot.

Nilagay ko ito sa ibabaw ng table at kumuha na rin ng socks at shoes niya at inilagay naman sa ibaba ng table.

Matapos non ay hinanap naman ng mata ko ang kaniyang phone at nakita ito sa gilid ng unan niya. Kinuha ko ito at mayroong password kaya kaya naman hinanap ko ang kaniyang kanang kamay at ginamit ang kaniyang hintuturo para sa fingerprint scan at nagbukas naman agad iyon.

Hinanap ko ang clock sa phone at ini-alarm ko ito every 5 minutes at nilagyan ng ringtone at itinaas ang volume nito.

Matapos ng ginawa ko ay umalis na ako doon dahil baka mag alarm na ang phone niya.

Ashton's POV

My eyes opened when I heard the door closed and checked my phone if she do anything to it and I found out that she'd set an alarm so I turn it off.

Gising na ako kanina pa ngunit nag-aalangan akong bumangon.

It's 4:30 and I might get late so I decided to get off my bed and took my uniform that Aliena prepared and go straight to the bathroom.

After that, I fixed my messy bed and leave my room and get to the car.

I was about to closed the car when Snow jumped and get in the backseat.

InverseWhere stories live. Discover now